Chapter 32: Sakit

Magsimula sa umpisa
                                    

At tulad ng dati hindi nila ako pinapansin. Sa totoo lang ang sakit-sakit na ng pinaparamdam nila sakin.

"Bilisan mong kumain dahil pupunta tayo ng mall" walang ganang sabi ni daddy. Tumango naman ako at nagsimula na akong kumain.

Pero, nakaka-limang subo pa lang ako ng nagsitayo na silang lahat.

"Tara na" malamig na sabi ni kuya zaimon. Kaya tumango ako at sumunod na sa kanila.

Nang makarating kami sa mall agad kaming pumunta sa boutique. Dito lagi ang gusto nila tuwing pumupunta kami ng mall.

Habang namimili kami biglang nag-sigawan ang mga tao.

"Nasusunog ang mall!!!!!!"

"Wahhh, umalis na tayo dito"

"May sunog, may sunog! Wahhh"

Agad akong kinabahan sa mga sigawan ng mga tao. At parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng makita ko ang napaka-kapal na usok at kitang-kita ko na rin ang nagliliyab na apoy.

"Umalis na tayo dito!" Sigaw ni dad at agad niyang pronektahan si mom, kuya zimon at kuya zaimon.

Parang naiiyak na ako sa nakikita ko. So, wala talaga silang pakialam sakin? Bakit, dad? Anak mo rin naman ako, ah. Pero, bakit ganiyan? Bakit hindi mo ko prinoprotektahan?

At yun nga umalis na silang apat parang gumuho ang mundo ko dahil doon. Ni hindi man lang nila ako senenyasan.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon