"Ah? Bakit naman?"

"Mabait na tao si joy. At nung nagka-sagutan kami kanina. Parang laging hindi niya alam ang isasagot sa tanong ko. Nagmamatapang lang siya para hindi siya maging talunan. Nakakatawa nga, eh. Ang laki ng pinag-bago niya pero hindi naman nabago ang ugali niya. Mabait na tao si joy. Alam ko yun. Hindi man kami nag-uusap nun. Nakikita ko naman noon ang pananalita at kilos niya at hanggang ngayon. Nakikita ko pa rin yun ngayon. Tulad na lang nung nagkasagutan si joy at kc. Sa totoo lang nanginginig na ang kamay nun ni joy kaso syempre may hawak siyang panyo kaya hindi masyado mahalata" mahabang sabi ko na kinanganga niya.

"Linaw ng mata mo, ah" puri niya. "Bakit nga pala ganun ang sinasabi ni Stella sayo?"

"Laging binubully ni pat si joy noong first year high school pa lang kami"

"Bakit naman binubully ni pat si Stella?"

"Kasi mag-pinsan sila. Hate na hate ni pat si joy kasi. Lagi na lang si joy ang nakikitang magaling sa mata ng mga kamag-anak nila. Lalo na sa mga magulang niya. Minsan ding pinalayas si pat ng mga magulang niya kasi muntik ng nilunod ni pat si joy sa swimming pool"

"Oh my god. Nasaan na si pat?"

"Nandoon na ulit sa bahay nila. Humingi siya ng tawad kay joy pero fake lang iyon. Dahil kilala mo naman si pat. Best actress ang role niya sa buhay. Nang mapatawad siya ni joy. Ayun, naka-balik na siya sa bahay nila. Pero, makalipas lang ng ilang araw. Hindi sinasadyang mahulog ni joy ang make up foundation ni pat. Kaya ayon inaway niya ulit si joy. Pero, dahil wala ang mga kamag-anak nila doon. Nilampaso ni pat ang mukha ni joy sa putik"

"Oh my god. Grabe naman pala si pat. At nakakaawa naman si joy. Bakit hindi siya lumaban? Inaapi na siya pero bakit hindi pa rin siya lumaban?"

"Takot si joy kay pat. Masyado ng natrauma si joy kay pat kaya iniiwasan niya na ito"

"Hmm, bakit pati ikaw dinadamay niya?"

"Syempre, kaibigan ko noon si pat. At ako naman si tanga. Sinusuportahan na lang ang lahat ng ginagawa niya kay joy. Wala naman kasi akong paki sa kanila"

"Ah, kaya sa tingin niya pati ikaw kasabwat ka"

"Yeah, maybe. Hays, ayaw ko na muna silang isipin"

"Pero, gusto ko pa silang pag-usapan"

"Edi, pag-usapan niyo ng anino mo"

"Aarrgghhh, couz" natawa na lang ako habang nagsisi-sigaw siya diyan.

---

Nang makarating kami ni zana sa ISI. Bumaba na kami sa kotse niya. Yeah, nakisabay lang ako sa kaniya. Masakit kasi paa ko.

Natalisod kasi ako sa hagdan ng hospital kagabi. Sakit kaya nun. At isa pa. At least na tulungan ako ni zana tinawanan niya ako ng malakas. Sa sobrang tawa niya. Napapahiga na siya sa sahig.

"Masakit pa ba paa mo? Haha" binatukan ko nga siya.

"Ikaw kaya matisod? Tapos tatanungin kita ng ganiyan? Taena, parang na-kuryente yung paa ko nun" tinawanan niya na naman ako ng malakas kaya pinag-titinginan na kami ibang students.

"Hahaha, ang pangit pa ng paka---hahaha, bagsak mo nun, hahaha. Para kang nag-dive, hahaha" pati tuloy ako natawa.

"Hahaha, bwiset ka. At least na tulungan mo ako. Tinawanan mo pa ako"

"Hindi ko kasi mapigilan. Nakakahiya yun, couz. Ang dami pang naka-tingin" napatakip ako ng mukha ng maalala ko iyon. Shems, nakakahiya.

Hindi ko man sila tignan nun. Alam kong nagpipigil na ng tawa yung mga tao doon, taena talaga this.

"Tumahimik ka na! Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko yan"

"Hindi ka pala naka-tulog kagabi tapos pumasok ka na sa kwarto mo. Nagkwe-kwentuhan pa tayo nun eh"

"Hindi ka pala naka-tulog kagabi tapos pumasok ka pa ngayon" dahan-dahan naming nilingon ni zana yung nag-salita sa likod namin at ganun na lang gulat ko ng makita yung F3.

"A-ah?" Tangang sabi ko. Napailing ako ng mukha akong shunga doon. "A-ano sabi m-mo?"

"Pag sinabi ko na ayaw ko ng ulitin" linya naming pareho yan. \(^o^)/

Napatingin ako kay luis na nakangisi saakin habang si jace parang nagda-daydream.

"Huy!" Gulat namin ni zana kay jace na muntik ng mabaliktad sa pagkakatayo ng magulat siya. Natawa naman kami ng malakas. Mukha siyang shunga doon.

"Ano ba?! Bakit kayo nang-gugulat? Alam niyo bang nagda-daydream ako?"

"Sa sobrang pagka-daydream mo. Unti-unti ka ng umaangat"

"Ah? Talaga? Dapat ba akong huwag ng magdaydream. Baka kasi lumipad na ako papuntang mars" nagtawanan ulit kami ng sabihin niya iyon. Kahit kailan shunga ito.

"Oo. Huwag na nga. Baka sa sobrang pag-daydream mo. Hindi mo namamalayan nahahalikan mo na yung poste" nanlaki ang mata niya at napa-hawak sa bibig niya.

"Nahalikan ko yung poste? Swerte niya naman. Siya na ang first kiss ko" napanganga na kami sa katangahan niya. Hindi na shunga. Tanga na.

Nakakatawa lang isipin na parang bumalik kami sa dati. Hays, kung ganito ba araw-araw, eh. Sinong hindi matutuwa?

I really miss you, guys. Hindi man kayo ang unang dumating sa buhay ko pero nagpapasalamat pa rin ako kasi dumating kayo sa buhay ko.

I'm so lucky to have you, guys.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now