Chapter 10: Ligaw?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Malapit na pala birthday ni Xylorh, noh?" Nakangiting napatango ako kay zana.

Yes, malapit na ang birthday ng bebe ko kaya kailangan kong bumili ng pang-reregalo ko sa kaniya.

Pumunta ako sa watch section at namili doon ng magugustuhan ko para sa kaniya. Syempre, yung babagay sa kaniya. Napapangiwi na ako ng wala akong magustuhan. Aalis na sana ako ng may umagaw ng atensyon ko.

Isang gold watch. Napangiti ako at nilapitan iyon. Simple lang siya at tamang-tama lang para sa kaniya kasi marunong naman siyang mag-dala sa mga gamit niya para sa sarili niya.

Tinawag ko yung saleslady at sinabi ko na kukunin ko iyon. Tumango naman ito kaya pumunta na ako ng cashier para doon hintayin ang inorder ko.

Maya-maya pa. Dumating na yung inorder ko kaya nagbayad na ako at lumabas na ng jewelry dahil nandoon na si zana sa labas.

"Magha-hanap ka ba talaga ng trabaho?" Tanong niya na kinatango ko.

"Oo. Kailangan, eh. Tsaka kung hindi ako magtra-trabaho. Paano na ako? Saan ako kukuha ng pambayad ko sa school?"

"Oo nga pala. Speaking of that. Sa ISI na ang bago niyong school. Waahhh. Mag-schoolmate na tayo" napangiwi na lang ako ng patili niyang sinabi yun.

"Tsk, saya ka na niyan" pinalo niya naman ako sa braso na kinatawa ko na lang. Pumunta kami sa mcdo para doon kumain. Nung una sa jollibee sana kaso puno naman ang tao kaya dito na lang.

Nang makarating ang order namin. Agad na kaming kumain. Pang-dinner na kasi namin ito dahil 7:09pm na.

"Kailan ka pala aamin?" Napataas yung kilay ko sa sinabi niya.

"Pag maputi na ang uwak"

"Zyra, I'm serious" at least na sagutin siya. Uminom na lang muna ako. Nag-sisimula na naman siya, eh.

"Sa ngayon mahirap, zana. Kaya please huwag mo munang iungkat niyan ngayon" napabuga na lang siya ng hangin.

"Pero, naaawa na ako sa kaniya/kanila"

"Ako din, zana. Hindi mo alam kung gaano ko na siya/sila ka-miss pero tinitiis ko kasi hindi pa ito ang tamang. Panahon" hininahan ko na ang huli kong sinabi.

Sorry, talaga.

---

Nang magising ako wala na si zana sa condo. Baka pumasok na.

Naligo, nagbihis at nag-almusal lang ako bago ako pumunta sa restaurant para doon simulan mag-hanap ng trabaho. Buti na lang bagong bukas itong resto kaya naghahanap pa sila ng crew. Syempre, tanggap agad nila ako dahil mataas ang mga records ko.

Nag-request din ako na Saturday at Sunday lang ang on duty ko. Pumayag naman sila dahil maganda ako, char. Dahil alam nilang yun lang ang free time ko bilang estudyante.

Kakilala ko rin naman ang owner kaya pasok ako, hehe. Nagpakilala muna ako sa kanilang lahat ganun din naman sila.

Pagkatapos iyon. Umuwi na ako ng condo para magrelax at mag-aral. Oo, mag-aral. Naaawa na kasi ako sa sarili ko. Fourth year high school na ako tapos wala pa akong alam. My god.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng pag-aaral. May tumatawag sa cellphone ko. Taas kilay ko naman sinagot iyon ng si lance ang tumatawag.

"Miss me?" Bungad ko.

"Yuck, kadiri ka" natawa ako sa sinabi niya.

"Napatawag ka ba?"

"May sasabihin kasi akong good news"

"Good news, good news, tsk. Ano yun?"

"Sinagot na ako ni kc"

"Talaga? Baka naman. Magpa-blow out ka naman"

"Sabi na, eh. Sa monday na lang. Tsaka babye na nagda-date kasi kami ni kc" sabay patay niya ng tawag. Tsk, kahit kailan!

Buti ka pa lance, hays.

"ZYRAAAA!!!"

"Ay, tinukwang baboy" napahawak ako sa bibig ko ng masabi ko iyon. Inis kong tinignan si zana na hingal na hingal. "Bakit? Para kang hinabol ng aso" binigyan ko siya ng tubig na agad niyang ininom.

Hinarang niya pa ang kanang kamay niya habang naghahabol ng hininga. Napa-mewang na rin ako sa harap niya.

"Ano bang nanyare sayo?" Tanong ko pa nag-buntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko, ah"

"Mm? Ano ba yun?"

"May nililigawan na si Xylorh mo!"

"May nililigawan na si Xylorh mo!"

"May nililigawan na si Xylorh mo!"

"May nililigawan na si Xylorh mo!"

Para akong nabingi sa sinabi niya. Ano daw? Si Xylorh may nililigawan? Yung bebe ko? Yung gusto ko? May nililigawan na iba? Huhuhu, bebe ko. Hindi mo na ba ako mahintay?!

"T-totoo ba yan?"

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?"

"Ha ha ha, oo. Halata naman. Gusto mo lang na umamin na ako kaya sinasabi mo yan. Ano ba?! Huwag ka ngang magsabi ng ganiyan. Hindi nakakatuwa, ha ha ha" pekeng tawa ko pa.

"Couz, I'm saying the truth. Xylorh's courting someone" napa-upo na lang ako sa sofa. Nakakainis naman si zana. Hindi man lang ako sabayan sa trip ko.

"Sino yung girl?"

"Si stella"

"Stella? Who's that girl?"

"Transferee noon" ngumiwi na lang ako.

"Tsk, basta ang mahalaga mas maganda ako doon" sabay aral ulit.

"At kailan mo pa napag-isipang mag-aral?"

"Simula ng isilang ako sa mundong ito. Laging tuwa ng-----"

"Magulang mo" inirapan ko siya na kinatawa niya. Kantahin ba naman yun, hahaha.

So, see you on monday Stella.

Sana naman alagaan mo ng mabuti yung bebe ko. Huwag mong hahayaan na mapawisan siya ng dahil sa init. Huwag mong papagudin yung bebe ko. Huwag mong siyang aawayin. Huwag mo siyang sasaktan. Huwag kang mag-lilihim sa kaniya na tulad ng ginagawa ko ngayon, haha.

Masakit man pero wala na akong magagawa kundi sabayan kung anong trip ng tadhana. Sabi nila kung para kami talaga sa isa't-isa gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magka-tuluyan kami. Paglaruan man kami ng paglaruan ng tadhana kung para rin lang kami sa isa't-isa. Kami talaga.

Siguro sa ngayon. Hahayaan muna kita sa kaniya dahil pag-handa na ako. Babawiin na kita. Huwag kang mag-alala dahil ginagawa ko ito para sa atin.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon