Chapter 6: National Bookstore

Start from the beginning
                                    

Yun ang pinaka-shungang nanyare sakin. Nakaka-badtrip.

"Huy" napa-balik ako sa sarili ng tapikin ni lance ang balikat ko. Inis ko siyang tinignan nginuso niya naman si sir na ikinagulat ko. Shems, bakit hindi ko manlang namalayan na nandito na siya. Masyado ko namang iniisip yung bebe ko, tsk.

Matapos ng klase dumeretso na agad kami ni lance sa condo para gumawa ng report para sa english.

"Magpapalit lang ako" paalam ko ng makarating kami sa condo. Nag-nod lang siya bago ako pumasok sa kwarto at agad nag-bihis sa banyo.

Pagkatapos lumabas na ako ng kwarto at nakita ko naman agad si lance na hinahanda na ang gagamitin namin.

"Ikaw na mag-search at ako na ang mag-susulat sa manila paper" sabi ko at umupo sa harap niya.

"Okay. Yung important na lang kunin natin"

"Hm. Okay"

Habang ginagawa niya yun. Pumunta na muna ako sa kusina para mag-luto ng dinner namin.

Pagkatapos kong mag-luto lumapit na ako sa kaniya dahil tapos na rin siya. Binuklat ko ang manila paper at binuksan ko ang pen tel pen bago ko sinimulang kopyahin ang nasa papel na ni-research niya.

"Alam mo pag-sinagot ako ni kc---"

"Hindi ko alam" putol ko agad sasabihin niya sinamaan niya naman ako ng tingin pero inirapan ko lang siya at nag-kopya na ulit.

"Tsk, pwede bang patapusin mo muna ako?"

"Tss, talk to air"

"Ikaw mahangin. Kaya kita kina-kausap----aray ah!" Sigaw niya ng batuhin ko siya ng eraser. 

"Tumahimik ka!"

"Tsk, whatever"

Hindi ko na siya pinansin at tinapos na lang ang ginagawa ko. Hays, para sa future namin ni bebe ko. Gagawin ko toh.

"Yeah, kakain na" sigaw niya ng matapos ako. Niligpit ko lahat ng kalat namin dito bago ako sumunod sa kaniya.

"Dahan-dahan naman!" Sigaw ko dito habang kuma-kain kami. Napaka-kalat kahit kailan.

"Kashi gustomsh nash gutomsh akosh"

"Ehh!"

Pagkatapos naming kumain. Nagpa-alam na siya. At ako naman ay dumeretso na sa kwarto.

Naligo muna ako bago ako nagbasa hanggang sa maka-tulugan ko ito.

---

"Sorry, I'm late" hingal kong sabi ng makarating ako ng mall at agad bumungad ang mga kaibigan ko.

Anong oras na ako nagising kanina. Hindi pa sana ako babangon kung hindi pa sila tumawag. Nakalimutan ko kasi na magbo-bonding kami ngayon.

"Yeah, your late" ngiwing sabi ni mish. The snobbera saming grupo.

"Waahhh, zyra. Namiss kita" sigaw ni Ashley sabay yakap sakin. Ito naman ang pinaka-maingay samin. Kumalas na ako sa yakap dahil hindi na ako maka-hinga.

"Hey!" Sabay high five kay deo. Siya naman ang madaldal samin.

"Buti naka-dating ka pa" masungit na sabi ni Wayne. Ang slightly masungit samin.

"Well, of course. Hindi ako pwedeng mawala dito noh!" At ako naman ang makulit samin at suplada.

"Tsk, so kompleto na tayo" sabay cross arm ni Wayne. "Saan muna tayo pupunta------"

"Boutique" sabi naming tatlong babae. Napangiwi na lang sila bago tumango.

Nang maka-pasok kami sa boutique shop. Agad kaming pumunta sa favorite brand namin. Syempre, hiwa-hiwalay kami kasi hindi naman kami pare-pareho ng gusto.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now