"Oh, thank you. Tamang-tama" tumayo siya at inabutan ako ng black folder. "Paki-bigay din toh sa kaniya. Para sa mga contacts yan dito"

"Sige, po" tumango na lang siya bago ako lumabas. Hays, ngayon ko lang nalaman na isa na pala akong sender ng mga folder.

"Tubig" nagulat ako ng may mag-lahad sakin ng tubig. Tinignan ko naman kung sino yun. Oh. My. Gosh. Yung crush ko. Shems.

"T-thanks"

"Mm" lalagpasan niya na sana ako ng magsalita pa ako.

"B-bakit m-mo pala ako binigyan ng tubig?"

"Alam kong nakaka-pagod yang ginagawa mo pabalik-balik. That's why. I give you that" napatango na lang ako. Tumalikod na ulit ako sa kaniya para pigilan ang ngiti.

"By the way, nasaan yung boyfriend mo?" Nagtataka akong napatingin sa kaniya.

"Ah? Boyfriend? Sino?"

"Yung lagi mong kasamang lalaki"

"Ah? Hahaha, best friend ko lang yun"

"Mm, I see" napatango na lang ako bago siya tinalikuran.

Naglakad na ako papuntang cafeteria at nakita ko ang maharot kong kaibigan na nakikipag-tawanan kay kc na as usual feeling maganda. Lumapit ako sa kanila.

"Oh, nandito ka rin pala" ngiti ni kc na tinanguhan ko lang.

"Oh" turo ni Lance sa pagkain na nasa tabi niya tumango na lang ako at naupo sa tabi niya at nag-simulang kumain.

"Yes, girl. Badboy dati si Xylorh"

"Talaga? Eh, Anong nangyari sa kaniya ngayon?"

"Oo nga mukhang goodboy siya"

"Hays, basta mahabang kwento"

Napakunot noo ako sa mga nag-bubulungan sa likod ko. Si Xylorh ko? Bakit naman nila pinag-chichismisan si xylorh ko?! Naalala ko tuloy kung paano ko nakilala si Xylorh.

*Flashback*

Pauwi na ako ng may nahagip yung maganda kong mata. Isang lalaking nagbabasa ng libro. Napangiti ako ng maka-kita ng isang lalaking ganiyan.

Akalain mo yun? Ang gwapong yan nagbabasa ng libro? Grabe, nakaka-alis ng stress si kuya pogi.

Umupo ako sa harap niya. Nag-kunwari ako na nagbabasa din at nag-kunwari rin ako na hindi siya napansin. Palihim rin akong tumingin sa kaniya. Shems, mas lalo siyang gumagwapo pag malapitan.

"Xylorh, Tara na" tawag sa kaniya ng kaibigan niya.

Tinignan niya muna yung kaibigan niya bago tumayo at sumunod sa kaibigan niya. Hays, Hindi manlang ako napansin.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now