37. Phone call

29 2 0
                                    

Chapter 37

Phone call

Lux' POV

My jaw dropped when I heard from them na dito sila mag-aaral. Ngiting-ngiti sila sa harapan ko, habang ako, hindi parin makapagsalita.

"P-Paano?" Kanina pa sila sumusubo ng lasagna habang ako ay ngayon pa lang nakabalik sa ulirat.

"Huh? Anong paano, Lux? Ayaw mo bang nandito kami?" Sabi ni Hanna.

"Aren't you happy?" Nagcross arms si Evita.

My eyes widened. "N-No! It's not like that. I'm just surprised and happy at the same time. Paano kayo nakapasok dito?"

"Tinulungan kami ng uncle mo, Lux." Cool na sagot ni Hanna.

Ah.. Tumango ako. "Nakabalik na pala siya. Kamusta siya? May sinabi ba siya sa akin?" Napalunok ako nang maalalang tumakas nga pala ako sa coffee shop nang walang paalam. It's weird how they react. It's like I did nothing stupid.

"Wala naman. He understands why you left." Ani Evita.

Nanlaki ang mata ko. Anong ibig niyang sabihin? May alam ba sila sa plano ko kung bakit ako nandito?

"C'mon Lux. Alam naman namin kung bakit ka nandito, diba nakatanggap ka ng scholarship dito sa AU? May letter kasi na pinadala sa amin sa coffee shop right after nung umalis ka. Ang sabi, nakapasa ka daw sa exam kaya inaccept ka ng school, so we completely understand. Nga lang, medyo nagtampo kami dahil hindi mo sinabi sa amin na matagal kana palang nag-apply ng scholarship dito. Hindi mo sinabi na dream school mo ito." Nagpout si Hanna.

So yung alam nila simula noon ay dream school ko itong AU kaya nakapasok ako dito ng walang paalam sa kanila. How can I explain my real motive to them? Are they willing to forgive me? Pilit akong ngumiti.

"Sorry na. Masyado lang akong naexcite na dito mag-aral." Paliwanag ko.

Evita and Hanna looked at each other as if they were communicating through their gazes.

"It's okay. We understand." Evita said.

"Oh! Why not invite your friends here to sit in our table. I admire how they respect our privacy. But now that we are finished talking, why not ipakilala mo naman sila sa amin." Hanna said while looking to the table where Sevie, Bill and James are sitting.

Masaya akong pumunta doon sa table nila para ayain silang umupo sa table namin. At first they hesitated kasi nakakahiya daw, pero nang nakalipat na sila sa table, agad namang nagkasundo si Bill sa mga babae. Sa totoo nga, naging maingay na siya. Paano kasi, binigay ni Hanna at Evita ang kanilang pagkain na natira kay Bill, syempre, ginanahan naman si Bill. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila.

Hapon na nang umalis si Hanna at Evita, sabi nila nakahanap na daw sila ng bahay para mapagtirhan nila. They also said that they need time to roam around the campus para atleast ma-familiarize naman nila ito. Bill and James also bid their goodbyes. And now, dalawa nalang kami ni Sevie ang nasa labas ng shop, naghihintay ng sasakyan, nang may nagring sa aking bag.

Dali-dali ko naman itong binuksan, when I realized na may cellphone na pala ako.

Gulat si Sevie at sinundan ang tingin ng cellphone na inilabas ko sa isang container.

"At kelan ka lang nagka-cellphone?" She raised her brows while asking.

Hindi ko siya sinagot. Kasi hindi ko talaga alam ang isasagot ko. I bit my lip, at halos madurog na ito nang nakita ko ang pangalan ni Cyd na tumatawag. So he registered his number here, huh? Tiningnan ko si Sevie na ngayon ay nagngingiti na akala mo'y mapupunit.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now