22. New House

47 5 0
                                    

Chapter 22

New House

Lux' POV

"What about AU?"

"Wag nang matanong, Lux. Our goal here is to bring you and your friend back to AU. Aalis agad kami, that's all." It seems na ayaw niyang ikwento sa akin. Halatang galit siya sa AU, bakit kaya? Haay sige. Wala naman akong karapatang pilitin siya.

I don't know how I survived the whole journey without talking much with him. Parang pagkatapos nung napunta ang usapan sa AU, biglang umiba ang timpla niya. Awkward. Natatakot na din naman akong mag-open ng usapan, baka may hindi naman siya magustuhan. I must say na malakas ang grupo nya. Seeing these people just like my age, already prepared to stand up and defend their lives, is a big responsibility for me. Doon nga sa amin, magkaaksidente lang, tawag agad ng abulansiya. Dito naman, you really need people from Anthelion to protect your ground. The guards here are the least necessity, iyon ay kung mag-agree ang school na gagamitin ng mga students ang kapangyarihan nila.

I looked at Sevie na ngayon mahimbing parin ang tulog. Nakaramdam ako ng guilt. She sacrifice a lot. She fought a lot. Valentine is also nowhere to be found. He said that he's also ready to protect me, para maging safety din ang necklace. Okay. Necklace lang.

I let down a deep sigh, na agad namang napansin ni Rick.

"You okay?" Tanong niya pagkatapos ng awkward na walang salitaan namin.

Tumango ako. "Yup."

Hindi ulit kami nagpansinan. We just let the people from the back entertain themselves while walking.

"Sino nga kagabi ang muntik nang mahalikan ang halimaw?"

"Pfft Hahahahahaha"

"Naku! Alam ko kung sino iyon!"

"Sssshh tumahimik nga kayo."

"Ayan na oh, Hahahaha napipikon na siya."

"Wag kang pahalata, Ram."

"Sabi nang tumahimik eh!"

"Hahahahahhaahahahahaha."

I smiled while listening to their conversations. Kaya pala nakaya nilang mamuhay ng ilang taon dito sa gubat, iyon ay napapasaya nila ang isa't-isa. Oo nga pala, I forgot to ask Rick about this forest, and where exactly are we.

"Uh, Rick. Nasaan pala tayo? Tsaka, gaano kalayo ang AU mula dito?"

"Malapit na tayo Lux. Hindi aabutin ng 10 minutes."

Tiningnan ko ang paligid, ayan na naman ang nalalagas na mga dahon. Parang papunta na kami sa isang horror city.

"Nakikita mo ba iyang barbed wires?" sabi niya habang tinuturo ang nasa malayo. May isang open field kung saan may barbed wires. Malapad ang sakop nito.

"Oo."

"Property na iyan ng AU."

Oh.. So nasa AU na pala ako. Ilang oras din ang nilakad namin kanina. Habang papalapit na kami sa mga wires, mas lalo kong naramdaman ang hapdi at sakit sa paa ko.

"Tumigil muna tayo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rick. Bakit?

"Hanggang dito nalang tayo. Rhett, dahil ikaw ang nagbubuhat sa kaibigan ni Lux, sumama ka sa akin. Tayo lang ang hahatid sa kanila doon."

I was about to ask 'why', nang may naaninag akong mga sasakyan na papunta din sa barbed wires na mula sa AU. Anim ang sasakyan na papalapit. Pinanliit ko ang mata ko para tingnan kung sino ang nakasakay sa isang convertible car (sasakyan na walang bubong).

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now