12. Valentine's Necklace

40 5 0
                                    

Chapter 12

Valentine's Necklace

James' POV

Kanina pa ako nakatingin sa guard. Parang hindi talaga tama eh. Saan niya kaya ako dadalhin? Bakit parang ang layo na namin sa entrance?

Huminto kami sa isang pinto na siyang binuksan naman ng guard.

"Anong gagawin natin diyan, manong guard?" shit, parang ayaw ko atang pumasok.

"Nasa loob ang mga kaibigan mo, bata." sabi niya. "Pumasok kana." Binuksan niya ang pinto, pagkabukas nun, may ilaw naman.. Pero hindi masyadong malakas ang liwanag.

"E-Eh ikaw, san ka pupunta?" tumingala ako sa kaniya. Don't tell me ako lang yung papasok sa loob.

Pero hindi siya kumibo, tumalikod na siya para umalis.

"Teka!" sigaw ko, pero masyado siyang mabilis maglakad. I slowly looked inside the door. Ang creepy naman... Pero sabi niya nandito daw yung mga kaibigan ko. Baka nga nandito si Lux at Billy.

Kaso nakakatakot talaga eh. Parang maiihi na ako! Ano na, James? Papasok ka o hindi? Huhuhu aminado ko namang maputi yung itlog ko, hindi, maputla pala.

"James..?" boses ni Bill iyon ah. Nanggaling sa loob ng kwarto. Sabi ko na nga ba. Nandito sila! Agad akong pumasok sa loob.

Grr. Ang lamig naman dito. Niyakap ko ang katawan ko. "Bill? Miss Lux?" tiningnan ko ang paligid na puno ng kahon. May nakita akong apat na pigura na naka upo sa mahabang upuan sa hindi kalayuan ko. Dahan-dahan akong lumapit doon para tingnan kung sino iyon.

Hindi naman siguro sila nag-multiply diba? Ba't naging apat na sila? Tsaka bat kasi ang hina ng ilaw. Kaylangan ko pa tuloy silang lapitan. When I am just 4 steps away from them, naaninag ko na ang mukha nila. They're wearing school uniforms from different departments. They don't look like Miss Lux and Bill.

Masyadong panget yung babae para maging si Miss Lux. Tsaka, masyadong payat naman yung tatlong lalaki para maging si Bill. I waved in their front of them.

"H-Hello?? Yuhooo? Kilala niyo ba si Bill Ramos? Yung bestfriend ko.. Alam niyo ba kung nasaan siya?" But they look expressionless, at nakatingin lang sila sa kawalan..

I gulped and turned my back. "Okay.." sinubukan kong buuin ang boses ko. Kunwari ay tumitingin ako sa mga kahon. "Hehehe.. Ba't pala kayo napadpad dito?" tanong ko kahit hindi sila sumasagot. Huhuhu.

Nanliit ang mata ko nang may napansin akong malaking kahon na medyo basa sa ilalim. Nang malapitan ko iyon, nagulat ako dahil dugo pala yung nasa ilalim nito.

Parang may kung ano pang nagu-udyok sa akin na buksan iyon. "James.. Tumigil ka na." pinalo ko ang kamay ko. Pasaway kasing kamay eh!

Huhuhu pero wala eh, binuksan ko parin iyon. "Aaaahhh!!" sigaw ko nang makita ang isang tao doon na puno ng dugo. May uniporme din siyang pang security guard. Hindi kaya siya yung totoong security guard, at yung nakasama ko kanina ay fake lang?

#$%&-+()/*":;? !!!!!!!

Uwaaaaaahhhhh!!!

Tumakbo ako papunta sa pinto para hilahin ito. Pero anak ng pagong, hindi na mabuksan. "Mamaaaaaa!!" mangiyak-iyak na sigaw ko.

"Tuloooonnnggg!!"

Lux' POV

Binuksan ni Kyle ang pinto. "They're not here."

"Pero dito papunta yung mga footprints! How come wala?" naguguluhan na sabi ni Andrea.

"Huhuhu." nakita ko ang lungkot sa mukha ni Bill. Tumabi ako sa kaniya at tinapik ang likod niya. "Makikita natin si James.. Tiwala lang." sabi ko.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now