3. Amythyst

107 9 0
                                    

Chapter 3

Amythyst

Lux' POV

Buong gabi kong tinitigan yung necklace na iniwan niya sa akin noon. Nasa kama na ako ngayon at nakahiga. Mag-isa lang ako dito sa bahay ni uncle. Medyo maliit lang din yung bahay niya. Nasa States kasi yung asawa ni Uncle, tas si Uncle lang yung naiwan dito. Minsan na ring bumisita yung asawa nya pero twice a year lang talaga, that's according to uncle, di ko pa kasi na meet asawa niya, since this year hindi pa nakauwi.

Isa itong simpleng necklace na may V na pendant. Kada pumunta ako sa palengke, lagi akong tumitingin sa mga tindahan kung may kapareha ba itong uri ng necklace, kaso wala talaga. Kahit simple ito, pero walang magkapareha ng design sa mga stores.

Bumuntong hininga ako. Kahit anong mangyari, hahanapin ko siya. Baka alam nya kung anong nangyayari sa lahat ng ito.

The next day, pinanalangin ko na sana di ako papagalitan ni Hanna dahil late akong nagising ngayon. Pano ba naman kasi, di ako makatulog sa kakaisip kung sino yung misteryosong lalaking iyon.

Nang nakapasok na ako sa coffee shop ay agad akong tinutukan ng walis tambo ni Evita. Poker face lang siya pero halatang naiinis.

"Ba't ka late?" walang buhay nyang sabi.

"U-uh..." pagkapa ko ng salita.

"Hoy Lux, punta ka muna doon sa kusina. Naku, pasalamat ka good mood ako ngayon, di ka nakatikim ng pamalo ko." sabi ni Hanna ng puno ng awtoridad.

Hmm, hindi nga siya halatang galit. Usually pag late si Evita o ako medyo naiinis siya.. Tas pag magalit ang nipis pa naman ng boses.

"Ang sabihin mo kasi, inspired ka lang dahil may secret admirer ka." singit ni Evita na may bored na tono.

"A-Anong s-secret admirer ka dyan.. Wala noh!" sabi ni Hanna, halatang defensive, pero namumula ang mukha.

Mabilis akong lumapit sa kanya sa may counter. Tinuro-turo ko ang pisngi niyang namumula. Siya naman, panay iwas ng mukha niya sa akin.

"Ano ba! Wag ka ngang makulit. Magtrabaho kana don."

"Bruha! Wag mong ibahin yung topic. Bat ang pula mo ngayon ah.. Tsaka ano yung sinasabi ni Evita na secret admirer?" naku, nacu-curious na talaga ako ah. Ba't ayaw kasing sabihin ni Hanna sa akin.

"Wala nga. Wag mo nang isipin yon." patuloy parin ang pag iwas nya ng mukha niya.

"May anonymous person na nagbigay sa kanya ng teddy bear na may kasamang letter." dire-diretsong sabi ni Evita.

"H-Hoy. Evita anong pinagsasabi mo,"  tiningnan ako ni Hanna bago siya tumakbo kay Evita at tinakpan yung bibig. "Nagsisinungaling lang siya, Lux, wag mo siyang pansinin."

Nanliit ang mga mata ko.

"Ikaw talagang babae ka, napaka chismosa mo." pagalit na bulong ni Hanna kay Evita.

Nagkibit balikat lang si Evita.

I crossed my arms. "Hanna, c'mon. Spill the beans. Alam kong meron yan. Sige ka, pag di mo sasabihin sakin hahanapin ko yun sa bag mo ngayon din."

Nataranta si Hanna. Di niya alam kung mananatili ba sya kay Evita or tatakbo na sa bag niya. Unti-unti akong lumapit sa bag niya na nasa ilalim ng counter.

"Haaayys! Oo na oo na! Meron nga." pagsuko niya.

Tumayo ako at hinintay siyang magsalita.

"Kaninang umaga kasi, nang nauna ako dito sa coffee shop, medyo wala pang araw yun, pero maliwanag na. Nasa gilid ko lang yung bag ko habang nagbubukas ako ng pinto.. Pagkatapos ng ilang minuto, may nakita akong teddy bear na nakapatong sa bag. Tas may maliit na envelope." sabi niya..

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant