44. Battle and Banishment (Part 2)

27 2 0
                                    

Chapter 44

Battle and Banishment (Part 2)

Lux' POV

My hands are cold when I entered the arena together with my other teammates. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman ko. Gusto kong hindi maniwala sa sinabi ni Andrea pero may part din sa akin na naniniwala sa sinabi niya. I mean, they are closer to each other. Ilang beses ko narin silang nakitang may ginagawang.... Hay. Do I even need to say this?

Hindi ako kinakabahan. There's another weird feeling inside me, and I hate it. I hate this feeling. Tiningnan ko ang damit na fitted pero mas mahaba ito kesa dati, hanggang tuhod na ito. Imbes na damdamin ang binigay na pakiramdam sa akin ni Andrea, nawala naman ito dahil sinabayan ako ni Conor papunta sa pasukan ng arena.

Nang naramdaman niyang malamig ang kaliwang kamay ko, binalot niya ito ng dalawang palad niya. I looked at him dahil nagulat ako. Agad niya ring binitawan.

"I'm sorry.. I just wanna help." He scratched his nape. Kunwaring wala pake ang mga teammates ko sa paligid, pero kung makatitig sila kay Conor, kulang nalang huhubaran nila ito.

"I-It's fine," I smiled back. Nagulat siya sa pagsang-ayon ko. Mabuti nga ito, para mawala ang iniisip kong mabigat kanina.

He slowly rubbed his palms around my hands kaya kahit papaano, medyo uminit ang kamay ko.

"Is this fine?" Tanong niya nang matapos i-rub ang dalawa kong kamay.

"Ehem.." Ubo ni Sevie sa gilid.

"Oh.." Binitawan na ni Conor ang kamay ko. My cheeks heated. Conor cleared his throat.

"I'm sorry... Good luck Lux. I know you can do better." He stepped back. "By the way, you look good in your outfit today." Sumilay ang dimple sa kaniyang mukha. I smiled back at him. Tinanaw ko ang likod niyang papalayo sa amin. My attention diverted to the girl who bumped my shoulder.

"Ayiiieee. Siya pala yung 'C' kanina!" Kinikilig na sabi ng babaeng kasama ko sa locker room. Dahil curious din ang iba, lumapit din sila sa amin.

"Ikaw ah. Hindi ka nagsasabi! Are you two together?"

"Conor is so hot."

"Swerte mo girl!"

"Oyy, kahit gwapong gwapo ako kay Conor, di ako boto sa kaniya." Singit ni Sevie sa gilid. Lumingon kaming lahat sa kaniya.

"Huh? Bakit? He's good in everything!"

"Oo nga. Tsaka physically fit pa!"

"...Tsaka mabait pa."

"Ah basta. Your opinions don't matter." Umirap si Sevie. "I have reserved someone better for her."

I raised my brows. Reserved someone better for me? Sino naman kaya iyon?

"Then paano mo ma explain iyong nagpadala ng damit para kay Lux kanina? There's a letter in it. At nanggaling kay Conor!" Our teammate protested.

"Bakit? Siya lang ba yung may letter 'C' dito sa campus?" Mataray na tanong ni Sevie.

Napaisip sila saglit.

"Oo nga no?" Bulong ng isa.

"Basta kung sa Twilight Slayers, hindi si Conor, hindi rin si Charles!" Sevie held her waist.

"Eh sino? Si Cyd ba?" Tanong nung isa.

Biglang may kumiliti sa tyan ko. What the? Hindi na nakasagot si Sevie dahil tinawag na kami. Lumabas na kami sa arena. The crowd is cheering at us. Nagpuwestuhan nadin ang Twilight Slayers at ibang judges sa kanilang upuan.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now