15. I get that.. I'm handsome

45 7 0
                                    

Chapter 15

I get that.. I'm handsome

Lux' POV

Lumabas ako sa classroom at pumunta sa lugar kung saan walang masyadong estudyante na naglalakad. I put my hands on my back as I waited for him to get outside. Ilang sandali pa, nakita ko siyang lumabas, still with his pissed face. I raised my brows.

"Sorry." sinabi ko nang makalapit siya. With his height like that, parang dibdib niya lang ang kausap ko. I can smell his manly scent.

He gave me a questioning look.

"What? Diba yan naman ang gusto mong marinig?" sinubukan kong buuin ang boses ko.

"Don't be sorry." tuminagala siya. Damn that Adam's apple, he looks hot. He looked at me again, and I looked away. Baka kung ano-ano naman ang sasabihin niya.

"He's the who's hitting you in the first place. Dapat lang na turuan siya ng leksyon." nagtitimping sabi niya. Akala ko tapos na ang pagpigil niya ng galit, pero nagulat ako nang ibinalik niya sa akin ang kasalanan.

"And you.." nilapit niya ang mukha niya sakin. "Do you like that guy?"

Nanlaki ang mata ko. "No!" mabilis kong sagot.

"Then bakit parang wala lang sa'yo ang ginawa niya?" maagap niyang tanong. Why do I feel that I'm in a talkshow? Kinakabahan ako.

"Of course it means to me! I just thought that normal lang iyon sa kaniya." I defensed myself.

"So you let him touch you because you think it's normal for that fucking jerk's sake?" sobrang lapit niya sa akin  para maramdaman ko ang hininga niya.

"N-No! Kaya nga noong hinawakan niya na ang braso ko--" he cut me out.

"--dumating ako. Pero kung hindi ako dumating, siguro hinahawakan niya parin ngayon, at wala kang ginaw--" kung kaya niyang magpatigil ng salita, ako kaya ko rin.

But I didn't stop him. Actually I slapped him. Bigtime. Tumagilid ang ulo niya sa resulta ng pagsampal ko.

"That suits you, SIR Cyd. You don't know how to respect your student. You just believe what's in your way and you don't care what will I feel. Kaya siguro, bagay lang sayo iyong sampal ko." I shouted in his face.

Madali siyang nakabawi, pero walang bakas na sakit sa reaksyon niya. He's still consistent with his hawk-like eyes and deadly aura. Mabilis niyang hinaklit ang braso ko, at unti-unting hinawakan ng mahigpit, without tearing his eyes at me.

"Alam mo ba na sa ginawa mo, pwede na kitang patayin ngayon din? I can just leave you here lifelessly lying and let Charles dispose your corpse." simple lang ang pananalita niya habang ang puso ko ay bumibilis ang pagtakbo.

"You can't do that." seryosong sabi ko. I risked my life how many times just to come here and find the truth, pero ni kahit isang hint sa pamilya ko or kahit kay Valentine man lang, wala akong natagpuan.

Nilayo niya ang sarili niya sa akin sabay bitaw ng kamay ko, it became reddish. "Of course, hindi ko magagawa iyan, lalo na kapag magmamakaawa ka lang din sa huli. I hate dramatic girls." sabi niya na para bang nadidiri.

Tiningnan ko siya ng masama. Nakakainis siya. "If you think that I'm dramatic enough, then go ahead, patayin mo na ako. Total iyan naman ang gusto mo. You keep on saying that always... Always, kapag magtagpo ang landas natin. I told you already that I don't like what happened awhile ago. Hindi ko ginusto iyon. At para sabihin sayo, naging grateful ako sa ginawa mo sa classmate ko kanina, but I don't get it why do you want me dead."

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now