17. Kidnapped

41 5 0
                                    

Chapter 17

Kidnapped

Lux' POV

Nang makarating ako sa bahay, na-excite akong pumasok dahil bukas na ang ilaw. Oh right! Sevie must be here. Malapit naring gumabi, ano kayang nangyari sa kaniya at bakit hindi na siya nagpakita? Ganyan na ba siya ka-busy?

"Sevie?" Tawag ko sa kaniya pagkabukas ng pinto.

"Sevie?!" nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Walang kahit anong boses ni Sevie ang sumabat. Baka naiwan ko itong nakabukas ang ilaw kanina?

...but the last time I remembered, nakasara naman ang lahat ng ilaw. I really think that Sevie is here.

"Sevie kung nandiyan ka man, magpakita ka na. Mula kahapon ka pang wala. Nag-aalala na ako sayo!" pinuntahan ko ang kusina, at nagulat nang may basag na bote sa sahig.

Shit, baka nga may nakapasok dito. Dahan-dahan kong kinuha ang basag na bote, pero inalis ko din ang kamay ko. Masyadong matalim. Haay, mamaya ko na nga ito lilinisin, I should make sure na walang ibang tao dito.

Mabilis akong tumayo at ni-check ang kwarto ko. Ganun pa din ang ayos ng gamit mula kanina. Nothing's strange. Sunod ko namang pinuntahan ang ibang bakanteng kwarto. Wala ring pinagbago. Huli kong pinuntahan ang kwarto ni Sevie. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

When I was about to touch the door's handle, may napansin akong kakaibang kulay na dumikit sa gilid nito. Nang nilapit ko ang mukha ko para tingnan, shit, it's a blood. I withdraw my hand, at hinawakan ko ang dibdib kong kumakarera sa kaba.

"Sige na, Lux. Kaya mo'to." I encouraged myself sabay paypay sa sarili. Titingnan mo lang naman, Lux. Kaya mo'to.

So I closed my eyes, at mabilis na binuksan ang kwarto niya.

"Aaahhhhh!!" nanlaki ang mata ko nang makita ko ang walang malay na si Sevie. Nakahiga siya sa bed niya at may tape sa bibig niya. Puro pasa ang kaniyang katawan, namumula pa ito na parang kakabugbog lang talaga sa kaniya.

Napaatras ako at napaupo sa sahig. I covered my mouth with my hand as I continued on screaming. Fudge! Hindi ko makaya ang itsura niya! Bigla siyang gumalaw, at unti-unting bumangon. I think nagising ko siya.

"L-Lux.." sabi niya nang makaupo sa kama, habang ako ay nasa labas ng kaniyang pinto at nakaupo parin.

"S-Sevie... Anong nangyari sayo?" parang hindi na siya si Sevie.

Nakita kong hirap siyang gumalaw at magsalita..pero pinilit niya paring bumigkas. She slowly motioned her hand forward, habang tinuturo ako.

"A-alis......k-ka....d-diyan.."

Huh? "Hindi! Tutulungan kita." sabi ko at dahan-dahang tumayo.

Ngunit sa pagtayo ko, ay nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Araaay.. Ano iyon? Napahiga ako sa sahig dahil sa lakas ng paghampas sa akin. Parang binasag ang ulo ko, parang inoperahan ng paulit-ulit.. Basta, di ko ma explain ang sakit. Bago ako pumikit, nakita kong kinuha din si Sevie... Ng mga hindi ko kilalang tao. Hanggang sa nanlabo na ang paningin ko.

Nagising ako dahil umaalog ang ulo ko. Hindi rin naging okay ang posisyon ko. Where the hell am I? Kinapa ko ang aking inuupuan. Ba't matigas 'to? Tsaka, parang gawa sa kahoy. Saka ko lang na realize na nasa isang malaking kulungan kami, kung saan gawa ito sa kahoy, at ang pader ay parang rehas.

It's still dark. I can hear the steps of the horse and the voices of an unknown people. Tiningnan ko ang paligid, mga matataas na kahoy. Bigla akong kinabahan. Nasaan na kami?! Ba't nasa kagubatan kami? Nakita ko si Sevie na nakaupo sa harap ko, na nakayuko at nakagapos ang katawan. When I was about to approach her, narealize ko na pati ako ay nakagapos din.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now