52. Breaking the Barrier

16 2 0
                                    

Chapter 52

Breaking the Barrier

Lux' POV

"I'll treat your wound." Buo ang boses ko nang sinabi iyon.

"Okay," he lazily moved and sat up.

"M-May towel kaba dito?" Tumayo ako at nilibot ang tingin sa paligid. Hindi ko kakayanin pag magdamag lang akong nakaupo sa gilid niya at nakatunganga sa nakabalandra niyang abs. Hihimatayin yata ako. Phew!

"Meron, nasa drawer. The medicine kit is on the cabinet. The basin's on the bathroom," husky ang boses niya habang antok na nakatingin sa akin. Ang isang kamay niya ay nakatukod sa bed habang ang isa ay sa kaniyang binti. His lower part is still covered with blanket.

Tumango ako at kinuha ang mga gamit na kakailanganin. I put a water on the basin and put it on the side table when I saw his two eyes staring at me like he wants to devour me or something.

"Pwede ba, wag mokong tingnan!" Pilit kong kinukunot ang aking noo. Tinapunan ko siya ng unan pero mabilis na iyon nahuli.

He raised his one brow while twisting his lips. Takte ang gwapo. "Oh bakit? May masama ba?"

I glared again. "Oo! Quit staring at me! You're intimidating me so much."

Sumimangot siya. "You don't have to be intimidated. Ako lang 'to," sabi nya sabay pasada ng kamay sa buhok niya. He then looked at me with a grin.

The nerve of this guy?

"Tsk." Umirap ako saka kinuha ang medicine kit at towel. Padabog akong nagmarcha sa harap niya at umupo sa tabi niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" He slightly slanted his head while waiting for my answer.

"Wala," sagot ko. Ano nga ba ang nangyayari sa akin? Well, like I said, masyado niya akong tinatakot. Pero hindi ko na sasabihin sa kanya ang rason na iyon.

Binasa ko ang towel at pumwesto na para punasan ang sugat niya. I then realized na medyo malayo siya sa akin.

"Umusog ka," utos ko.

"I don't take orders." Masungit din na sabi niya. Nga naman, sino ba sya para maging sunod-sunuran?

"Edi wag mong sundin." Umirap ako. Ano pa ba, ako na yung nag-adjust in the end.

Tahimik kaming dalawa habang pinupunasan ko ang sugat niya. Nanginginig ang kamay ko habang dinadampian siya ng towel.

"Tell me, why are you acting like this?" Basag niya ng katahimikan. This time, medyo naka-recover na ang boses niya sa antok.

"Ano ba ang sinasabi mo? I'm acting normal." Tamad kong sabi.

"You're not."

I rolled my eyes for the nth time. "Hindi ka naman pala maniniwala."

"How was your feeling?" Pag-iba niya ng usapan. How can he act so normal habang ako ay tensyunado na dito?

"I'm fine."

"Did you enjoyed last night?"

Natigilan ako sa tanong niya. "Alin doon?"

Natigilan din siya sa tanong ko pabalik. Alam niyang dalawang side ang na-experience namin kagabi. The positive one and the negative one.

"I'm sorry," he looked at me straight to the eyes. Nauna akong umiwas ng tingin.

"Okay lang," I continued on wiping.

"Masakit ba?" I asked, pertaining to his wound.

"Mas masakit iyong ganito ang pakikitungo mo sa'kin." Seryoso niyang sabi na ikinainit ng pisngi ko.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now