29. Fiance

34 3 0
                                    

Chapter 29

Fiance

Hanna's POV

Nakaluhod kaming tatlo ngayon sa lupa habang nakataas ang dalawang kamay. There are more than ten persons with machine guns pointing at us.

"I'm sorry... I tried." Bulong ko sa dalawa.

"It's okay. It's not your fault." Sabi ni Evita.

Pinutukan ng isang guard ang lupa sa gilid ko. Abot langit ang kaba ko nang tumalsik ang iilang semento sa aking mukha.

"Ilang salita pa diyan kung ayaw niyong mamatay."

Umirap ako habang nakayuko. Kanina pa nila iyan sinasabi ba't hindi pa kami binabaril? Mas mabuti pang mamatay na lang kesa mabilad kami dito sa sobrang init. Kawawa yung pag-alaga ko sa katawan ko, na basta-basta nalang masisira sa isang pagbabad sa araw.

I never thought that our end game is in the front of AU. Hindi ko man lang nakita si Lux at naligtas si uncle Homer.

"Patayin na ba natin?" Bulong ng isang guard sa gilid niya.

"Tss. Patayin niyo na nga kami! What's the use of sparing our lives?!" Inis kong sigaw sa kaniya.

"Of course... Para makausap mo ako.."

Tumindig ang balahibo ko nang marinig ang boses niya. That very familiar voice.. Hanggang ngayon hindi parin nagbabago, mukhang lutang ang boses pero nakakatakot parin pakinggan. Mas lalo lang itong naging malalim at malamig.

Nawala ang sakit sa lahat ng katawan ko nang tumingala ako para makita ang kuya kong ilang taon ko nang hindi nakasama. Tss, buhay pa pala siya. Mabuti naman. Agad na nagbigay ng daan ang mga guard para tuluyang makalapit si Lincoln sa amin. He stopped a meter away from us. Mas lumaki lang at tumigas ang katawan nito...Pero siya parin si Lincoln.

"Sir Lincoln.."

"Sir.."

"Yow little Sis." He grinned. Tss, that smile. Parang gusto kong wasakin ang bunganga niya. Nakakainis.

"Little sis daw."

"May kapatid pala siya?" Rinig kong mga bulungan ng guard. Ang Chismoso naman.

"Stop calling me that." Mariin kong sabi sabay tingin sa kaniya ng masama. But he doesn't seem irritated or what.

"I never thought you will visit your lovely brother here." Naglakad siya sa paligid namin. "Halt your guns. We will spare the lives of these beautiful ladies."

Binaba nila ang pagtutok ng baril sa amin.

"Kung ano man ang gusto mong sabihin kapatid, save it later." Tumalikod siya para kausapin ang mga gwardiya na bumalik sa kanilang pinanggalingan. Pinatayo na din kami at pinapasok sa Ford Raptor. Nakita ko ang unti-unting pagbukas ng malaking gate ng AU.

Habang nagd-drive si Evita, tumitingin naman kami Margot Li sa bintana. Ang laki nga talaga ng AU. The places here are so out-of-the-country.

"Hindi ba't dito ka sana mag-aaral?" Tanong ni Margot Li.

"Yeah."

"But you refused because your siblings are here."

"Yeah."

"Ang gwapo naman ng kuya mo. Paano yung iba mong kapatid? Teka, ilan ba kayong lahat?"

"Tatlo."

"So where's the other one?"

"I don't know."

"Geez. There are lots of pretty faces here. Nakikita ko din yung mga anak ng celebrities na naglalakad sa gilid. Ang gugwapo! Evita and you should be here. You belong in this place."

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now