11. Unexpected Rescuers

41 4 0
                                    

Chapter 11

Unexpected Rescuers

Lux' POV

"Bilisan natin Bill, baka napano na dun si James!"

"Teka miss Lux. Masakit sa bilbil ko!" medyo binagalan namin ang pagtakbo. I really thought at first na siya si Valentine, pero nang tiningnan ko ang buong katawan, sobrang layo pala. Haaaayys.

"Madami ba ang kinain mo kaninang breakfast?" tanong ko habang nagpapanic parin.

"Huhuhu opo, naka limang cups ako ng rice."

Takte. Kaya naman pala.

Gustuhin ko mang makarating doon ng mabilis, pero kaylangan kong hintayin itong si Bill. Nang makarating kami sa lugar kung saan naglilinis si James, wala namang tao doon.

"James!?" tiningnan ko ang mga manika. At ang ibang sulok. Wala naman siya. "Jaaaaaaammeesss!!"

He's not even responding. Ano nang nangyari sa kaniya?

"Tumingin tayo sa kabila. Baka nandun siya." sabi ko habang hinahanap parin siya sa paligid.

"Ano? Kakarating lang natin eh."

Hindi ko pinansin si Bill. Tumakbo ako sa kabilang direksyon.

"Teka lang miss Lux! Diyan ako naglinis kanina. Wala siya diyan---oh my ghad. Y-Yung mga damit.." Namutla siya habang nakatingin sa sahig.

Tumingin ako sa paligid na puno ng mga damit. Anong meron sa sahig?

"Bakit?" tiningnan ko siya.

"Kanina nahulog to lahat. Huhu, di ko naman pinulot kasi feeling ko may kababalaghan dito.. Kaya ako tumakbo papunta sayo." hindi siya mapakali.

Kinagat ko ang labi ko, nalasahan ko pa dun ang dugo dahil sa lakas ng pagsampal sa akin. I then remembered the guy with an unusal expression. He's a student here! At nasisigurado kong hindi siya normal na tao.

Baka siya ang kumuha kay James.

"Kaylangan nating hanapin ang estudyanteng iyon." sabi ko habang papaalis sa kinaroroonan namin.

"Miss Lux, sino bang tinutukoy mo? Sinong hahanapin natin?"

"May estudyanteng kumuha kay James. Nasisigurado ko, dahil nagpakita siya sa akin kanina." seryosong sabi ko.

"Huhuhu sa pagkakaalam ko wala naman siyang kaaway ah. Ba't siya kukunin?"

"Iyon ang hindi ko alam."

"Eh ano yung gagawin natin dun sa estudyante? Wala naman tayong panlaban? Huhuhu. Siguro humingi nalang muna tayo ng tulong." napairap ako kay Bill. Ang laki niya naman para matakot pa, dapat siya itong matapang sa amin eh. Ako nga natatakot din.

But on the other hand, mas okay nga na humingi muna kami ng tulong. Maybe Sir Charles could help.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Sige, tara na."

Tumakbo kami papunta sa entrance..ngunit bigla din kaming tumigil nang may apat na estudyanteng nakatayo sa may pinto. Mas lalo akong kinabahan.

"At saan kayo pupunta?" sabi ng isang babae.

"Sino kayo?" matapang na tanong ko.

"Hindi kayo pwedeng umalis." sabi ng lalaki. Dahan dahan silang lumapit sa amin, kaya umatras din kami. Napakapit ako sa feather duster ko.

"Huhuhu.. Kayo ba ang dumukot sa kaibigan ko? Pakawalan niyo siya!" naiiyak na sigaw ni Bill.

"At bakit?" napangisi ang babae. "Hinding hindi na namin ibabalik ang kaibigan niyo. Gagawin namin siyang bihag at papata---"

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now