16. The Cursed Street

48 5 0
                                    

Chapter 16

The Cursed Street

Hanna's POV

"M-Ma'am Li, kaylangan ka naming makausap." sabi ko.

"Halata nga." pagbara niya. Ang hot niya masyado. "Kung nandito lang kayo para singilin ako sa bayad ko. Pwes, umalis na kayo, kaya nga hindi na ako pumasok diba? Accept ko na na panalo kayo at accept ko din na wala akong pambayad kaya wala kayong mapapala sa akin."

Woah. Ano bang tinira niya? "Nagkakamali po kayo, Ma'am. Hindi kami taga Estrellia." sabi ko.

Bigla naman siyang napaubo. Mula sa pagiging mataray, bigla siyang naging seryoso. "Alam niyo ba kung anong lugar ang pinuntahan niyo?"

Nagkatinginan kami ni Evita. "Owen street po ito." she answered the obvious.

"Bukod doon..wala na?" inayos nya ang kanyang walis.

"Wala na po." mabilis kong sagot.

Tumalikod siya sa amin. "Kung ganon, umalis na kayo, kung ayaw niyong mamatay."

"M-Mamatay? Bakit po?" I asked. Kaya ba walang katao-tao dito? Kaya ba wala ring dumadaan na mga sasakyan? Is this street haunted?

"This street is cursed, para malaman niyo. Lahat ng tao dito, namamatay, yung iba, inabandona na ang sariling pamamahay." sabi niya habang nakatalikod parin. Nilibot ko ang tingin sa paligid, so far it's not creepy at all dahil umaga pa lang ito.

"Ah..okay." sabi ni Evita.

"Okay?" humarap si Ma'am Li sa amin. "Hindi ba kayo natatakot? Pati kayo ay papatayin din."

"Eh bakit kayo, hindi pa namatay?" I asked directly.

Tiningnan niya ako ng ilang segundo na para bang nag-iisip sa isasagot, hanggang sa tumalikod lang siya at naglakad. "Basta umalis na kayo."

Hinabol namin siya ni Evita. Humarap siya ulit sa amin. "Ba't pa kayo nakasunod?" She looks pissed.

"Hindi pwedeng hindi ka namin makausap." Evita said.

"Kung ano man ang sasabihin niyo sakin, you better save it. May plano na rin akong magpasa ng resignation letter bukas kaya asahan niyo akong hindi na magtuturo." inayos niya ang kaniyang eye glasses bago ulit kami tinalikuran.

"Tungkol po ito kay Uncle Homer!" nilakasan ko ang pagsabi na ikinahinto niya, at dahan-dahang paglingon ulit sa amin.

"Ano sabi mo?"

"Uncle Homer po." mahinahong sabi ko. Sana ngayon hindi na niya kami ipagtataboy.

Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Parang naging worried. "Ano nang nangyari kay Homer? Nasaan na siya?"

"Hindi po namin alam..pero ikaw po ang tinuro niya sa amin." ani Evita. "Nakipagkita ba siya sayo? Baka alam mo kung nasaan siya."

Malungkot na nagsalita siya. "Hindi. Matagal na yung huling pagkita namin. Sa ngayon wala akong alam sa kaniya. But I'm expecting him to come, since last week nagset siya ng time na magkikita kami, pero hindi naman siya dumating."

Last week pa pala. Bakit kaya hindi siya dumating?

"Alam mo ba kung ano ang pinunta niya sa'yo?" I asked. Ilang sandali siyang natahimik, saka naglakad paalis.

"Follow me." seryosong sabi niya. Evita and I looked at each other before following Margot Li. Sa wakas, huminto kami sa tapat ng isang bahay na I think itong bahay lang ang natatanging gawa sa kahoy. It doesn't look bahay kubo though, more like, parang ancestral house pa.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now