23. Life with Elites

49 4 0
                                    

Chapter 23

Life with Elites

Lux' POV

"Kaylangan niyo munang magpacheck sa Ospital." Jack said. That explains why hindi kami pumunta sa direksyon ng Mansiyon, kundi pumunta kami sa AU proper mismo. Dahil malayo nga ito sa syudad, of course may sariling Ospital nadin ito.

The Hospital is big, made of.. Hmm.. Parang ancestral building din ang style nito. Pero syempre, hanggang istilo lang, kasi pagpasok namin sa loob, parang pang International din naman ang dating.

Kahit gaano pa ka-busy ang mga doktor at nurse, nang dumaan ang Twilight Slayers, agad silang nagbigay ng daan. Si Cyd, Jack, at Kyle lang ang nandito. Ang iba naman, baka dumiretso na sa mansion.

"Goodmorning sir."

"Goodmorning po."

Iyan ang bati sa kanila ng staff habang nakayuko. Sila naman, dire-diretso lang ang lakad. Si Kyle, minsan nag-greet back siya, minsan hindi rin. Parang ako ang nahihiya sa mga staff. Tsaka nahihiya din akong makasama silang tatlo. They're like celebrities among the celebrities. Dumaan si Jack sa isang kwarto para ilagay ata doon si Sevie, nakausap niya din ang ilang nurse at doctor. After that, he turned and accompany us.

Huminto kami sa tapat ng pinto na may pangalang 'Megg Namagca'. Nang binuksan namin ito, mukha ng isang magandang babae na nasa 30s ang mukha. With her hair tied up in a pony tail, and her white skin na parang nagpa-belo... Wait.. I know this lady!

"Good morning boys! What brought you here?" she welcomed with a big killer smile, showing her shining teeth.

Naka-white lab gown siya at may stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg.

"And who is this young and gorgeous lady?" naglakad siya papalibot sa akin habang sinusuri ako.

When I saw her face closer, natandaan ko na isa pala siya sa mga may commercials sa tv. At hindi lang isa, mga tatlo o apat pa. And yeah, ang ganda niya talaga in person!

"Kaninong jowa to?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Jowa agad?

"It's none of your business." masungit na sagot ni Cyd.

Mahinhing tumawa ang Doctor. "Don't be silly Cydestrion--"

Bigla siyang natigil nang may nagclick na buto. I turned to Cyd who's now clicking his knuckles, ready to fight anytime, using his deathly glare. Okay, moment of silence, I can hear crickets now. Nakita ko naman si Kyle na napa-face palm at si Jack na napailing.

"Say it again." Cyd said in a warning tone. Napakunot noo ako. Ano bang masama sa sinabi ni Doctor Megg?

Napaiwas naman ng tingin si Doctor Megg sabay hawi ng takas ng buhok niya. "Ah.. He-he-he.. I-I mean, Mr. Griffin..He-he...ahem.. So anyway.." she turned to me. "Pwede muna kayong lumabas, ako nang bahala sa magandang dilag."

"Make sure she gets better, Doc." sabi ni Jack.

Halata sa kay Doctor Megg ang kinakabahan. "Hahaha. Of course! Kayo naman, wala ba kayong tiwala sa akin?" okay, walang may sumagot, kaya ako ang sumagot.

"May tiwala ako sa'yo Doc. Tsaka, napanuod ko ang mga commercials mo, ang ganda mo nga doon!"

"Oh? Talaga? Buti naman." she turned to them and motioned to get out. "O siya, umalis na muna kayo. Maghintay lang kayo sa labas, mabilis lang naman ito."

Doctor Megg turned to me before she led me to her mini laboratory. After a few minutes of checking up, binigyan niya ako ng gamot.

"Here it is, gorgeous. Wag kang masyadong magpapagod ah? Magpa-excuse ka muna sa klase mo ngayon hanggang bukas. You need enough time to rest. Halatang marami kang pinagdaanan."

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now