57. Hugs and Misses

22 1 0
                                    

Chapter 57

Hugs and Misses

Lux' POV

We were about to attack each other when a voice from the crowd interrupts.

"Anong nangyayari dito?" Ang seryosong boses ni Conor ang bumalot sa paligid.

Pumasok siya sa espasyo kung saan nandoon kami, binigyan naman siya ng daan ng mga estudyante. Subukan lang nilang kumontra sa Twilight Slayer kung ayaw nilang makatikim ng kamatayan.

Conor doesn't seem mad, pero ang seryoso niyang mukha na ngayon lang namin nakita ay sapat na para patahimikin ang lahat ng nandito. Naka blue siyang polo at black jeans. I think nag-sub teacher din siya sa isang klase.

"Sir Conor.." Napayuko si Michri ng kaniyang ulo pero nakakuyom parin ang kaniyang kamao.

"Ano ba ang balak niyong mangyari sa sarili niyo?" Cool na sabi ni Conor habang nakasuot sa bulsa ang dalawang kamay.

"Ang pakasalan ka, sir.." Rinig kong bulong ng isang estudyante. Walanghiya, nagawa niya pang sumagot. Ngunit ang salita nya ay masyadong mahina para marinig pa iyon ni Conor.

"If you want yourselves to get beaten nandito naman ako para makipagsuntukan sa inyo."

Wala ni isang nagsalita. Lumapit si Conor sa banda ko. Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. I looked down to avoid his gaze. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ka-showy ang aking katawan. Ang kaliwang manggas ng uniporme ko ay napunit na. Hindi ko na ito suot at nakalaylay na sa likod hanggang sa tuhod ko. My bra is already showing. My hair is in complete mess.

Nang nagkaroon ako ng pagkakataong tingnan si Conor, his lips is in thin line. Ang kaniyang mata ay medyo galit. Kalmado lang siya pero makikita mo sa kaniya ang pagiging Twilight Slayer niya. He slowly turned to Michri.

"Ikaw ba ang gumawa nito sa kaniya?" Biglang lumamig ang kanyang boses.

"U-uh.." Kahit si Michri ay nagulat din sa boses nya at hindi makapagsalita ng maayos. I smirked at the back of my head.

"All of you here.." Mas lalo pang lumakas ang boses ni Conor. He turned to the crowd. "Pagbilang ko hanggang lima, kaylangan wala na kayo dito...except for Lux."

Ha? Bakit hindi ako pwedeng umalis?

"One..." Kumaripas na sila ng takbo

"Two..." Sa isang iglap ay parang naging ghost building na ang hallway.

"Three..." The last one to leave is Michri. Nasa may bandang elevator siya. Iyong iba ay bumaba gamit ang hagdan.

"Four..." Binigyan ako ni Michri ng nakakamatay na tingin bago siya hinigit ng kanyang kasama.

"Five..." Wala na talagang tao sa paligid bukod sa aming dalawa. Tanging maririnig ko lang ay ang malalim kong paghinga.

Conor's emotion changed. Mula sa pagiging seryoso, tiningnan niya ako na parang babasaging baso. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Bakit ka nagpapabugbog?" May halong pag-alala ang boses niya. His face is reflected by the sun's ray. His pointed nose and calm eyes can make every woman melt.

"Ayos lang ako, Conor."

"Ayos? Hindi ka maayos, Lux. Tingnan mo ang sarili mo. May towel ako sa sasakyan, dito ka lang muna." Sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis siyang umalis. Hindi nagtagal, muli siyang bumalik.

Nilagay niya sa balikat ko ang puting towel. I watched him as he placed the towel on my back and properly arranged it on my shoulders.

"Good to see you again." I smiled genuinely. Hindi ko na siya masyadong nakakasalamuha. He's a good friend at kahit papaano, may pinagsamahan din kami.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now