34. Plan for Apology

26 2 0
                                    

Chapter 34

Plan for Apology

Lux POV

The night ended just like a dream. The way I touch his back makes me feel comforted at parang ayaw ko nang bumitaw pa. The next thing I knew, is nasa loob na ako ng sasakyan ng truck at nasa gilid ko na si Conor. Nakita ko din ang driver na kalmadong nagmamaneho sa sasakyan. I looked at the time, it's already 8 in the evening.

"Malapit na tayo sa AU, konting hintay nalang." Sabi ni Conor sa akin.

Kumurap ako ng ilang beses. I even pinched my arm to know if this is real or not, pero totoo talaga. Nakatulog ba ako? If so, was my hug to him a dream? Tiningnan ko ang aking kamay, nandoon parin ang memory ng pagyakap ko sa kaniya, so totoo iyon. He did saved me from the Valkyries. He did hugged me. Valentine is Valentine, marami siyang paraan para ibalik ako sa kasalukuyan. But what he said to me awhile ago is breathtaking. Alalang-alala ko parin ang sinabi niya lahat.

Did he mean it? Or maybe he's joking.

Haay, ang hirap maniwala. But one thing's sure of me, mas lalo akong naf-fall sa kaniya.

"Wag ka nang matulog, Lux. Ang himbing ng tulog mo mula kanina." Sabi ni Conor.

So natutulog pala ako mula kanina. Teka, kamusta na pala siya? Mabilis ko siyang sinuri mula ulo hanggang paa.

"Kamusta ka, Conor? May masakit ba sayo? How are the Valkyries?"

"I'm more than okay, Lux. Ikaw ang inaalala ko. Sana nga hindi nalang kita sinama dito. Edi sana hindi pa'to nangyari lahat."

"No no, Conor. Hindi naman natin ini-expect iyon. Kaylangan lang natin maging maingat--"

"Kaylangan MO, na maging maingat. I can handle myself. Pero hindi kita kayang protektahan. But still, kasalanan ko kung bakit tayo sinalakay."

"Okay lang iyon, Conor. Wag mong sisihin ang sarili mo. Laking pasasalamat ko din dahil niligtas mo ako."

Malalim siyang huminga. "Lagot talaga ako sa grupo kapag nalaman nila ang nangyari sa atin."

"Naku, wag mo nang ipaalam sa kanila."

He chuckled as if I'm joking. "Malalaman parin nila iyan. They have lots of ways."

Natahimik ako. I wonder kung ano ang parusa nila kay Conor pag malaman nga nila. Kahit ako ay kinakabahan, kasi alam kong danay din ako. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa AU. Tahimik ito kumpara sa nakaraang gabi. Walang estudyante na dumadaan, bukod sa naglilinis. Pati ang mga bilihan ay sarado din, tanging mga ilaw lang ng buildings ang nandoon para magbigay ng liwanag.

Mas lalo akong kinabahan nang papasok na kami sa Mansyon ng Twilight Slayers. Hinatid kami ng sasakyan sa gate. Naunang bumaba si Conor tas ako.

"Manong, salamat talaga. Pasensya nadin kanina ah." Conor said politely. Nalaman ko lang din na kaya pala hindi niya nakita ang driver at yung truck mismo dahil tinago iyon ng Valkyries. Tuso talaga sila. They will do everything just to get me. And everytime I face those creatures it feels like my life is nearly at end.

"Walang anuman sir. Ang importante ligtas tayo." Sabi ng driver.

Nilingon ko ang mansiyon kung saan tahimik ito at walang kahit anong ilaw except sa dalawang light posts sa gilid ng pinto. I have a bad feeling for this.

"Conor, teka.." Sabi ko.

"Bakit?" Napahinto sya sa paglalakad.

"Wag nalang tayong pumasok." sabi ko. What if pagpasok namin, babarilin agad kami?

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon