18. Escaping the Dark

39 5 0
                                    

Chapter 18

Escaping the Dark

Lux' POV

"I'm from Vendulun Estate, Lux." pagconfess sa akin ni Sevie. Imbes na magulat ako, ay tumango nalang ako. I know Sevie sacrificed a lot para hindi ako mabigla sa nalaman ko, and she is a kind of a friend that I want to keep.

"...pero mahirap silang labanan lahat, sa point na akala ko mamamatay na ako...I'm sorry." nakayuko niyang sabi.

"Don't blame yourself, Sevie. You did what is right. And please, wag kang magdrama diyan na parang responsibilidad mo ako. We live and fight equally, wag mong pasanin ang problema na hindi naman para sa'yo." Naaawa ako sa kaniya. Ba't kasi kami napasabak sa ganito?

"Thank You, Lux." tipid siyang ngumiti.

Now, I'm thinking on how can we escape here. Biglang huminto ang kabayo na syang humihila sa amin.

"Mukhang mahaba-haba pa ata ang lalakarin natin." rinig kong boses ng nasa unahan.

"Siguro ay magpahinga muna tayo ngayong gabi." sabi ng halimaw na nasa likod.

"Ipagpatuloy nalang natin bukas ng madaling araw. Saktong bukas ng tanghali, magbubukas din ang Anthelion." sabi din ng isa.

"Hindi ba magagalit si Pinuno nito? Gusto niyang makita ang bihag natin ngayon." protesta ng isa.

"Kahit magpatuloy tayo, hindi parin natin maabutan ang pagbukas ng Anthelion. Kaya mas mabuti pang bukas nalang."

Ilang sandaling tahimikan bago sumang-ayon ang lahat.

"O sige.."

"Sige pwede na din."

"Mabuti pa nga."

"Sige, tara na't magpahinga."

Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal namin doon, but I just saw kung paano nila pinagalaw ang mga puno na gumawa ng sariling bahay. Kahit ilang beses ko na itong nakita, hindi ko mapigilang mamangha sa kakayahan nila. Iyon nga lang, sila ay kalaban.

Wala pang isang oras, ay may tatlong kubo na na tumayo sa harap namin. Nagkailaw din ito gamit ang mga dahon at kahoy na ginawang bonfire sa gitna ng tatlong kubo na magkaharap.

"Ayos na ba ito?" tanong ng isa.

"Aba oo. Isang gabi lang naman tayo."

"Teka, anong gagawin natin sa dalawang bihag?" lumingon silang lahat sa direksyon namin.

"Hayaan nalang muna natin sila diyan. Baka makatakas pa sila kapag palabasin natin."

"Hahaha. Mabuti nga." lumapit ang isa at niyugyog ang kulungan namin. "Hinding-hindi niyo kami maiisahan, tandaan niyo iyan." mariin niyang sinabi sa amin.

Napapikit ako sa baho ng kaniyang hininga. Yuck. Nakakasuka. Nanatili kaming nakayuko ni Sevie habang tinatali ang kabayo sa isang puno.

Tiningnan namin silang nagku-kwentuhan sa palibot ng bonfire. 8 silang lahat na lalaki. 5 ang naka casual clothes, at 3 naman ang may uniform ng AU.

"Kilala mo ba ang tatlo sa kanila?" I turned to Sevie.

"Hindi, pero ang isa doon ay naging blockmate ko. Kainis! Hindi ko alam na may binabalak pala siyang masama sa akin. Hindi ako aware na sinundan niya ako hanggang sa bahay." halata sa kaniyang mukha ang inis.

"Kumalma ka, Sevie. Makakalabas din tayo dito." wew, makapagsalita parang ang lakas ko ah. But I'm really hoping that someone would help us.

Someone's POV

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang