64. The Betrayer and the Believer

15 0 0
                                    

Chapter 64

The Betrayer and the Believer

Sevie's POV

"Hanna, bilisan mo! Ako'ng bahala sa kanila!" I let out my gun with a silencer and shoot some of the men who's also aiming their guns at our direction.

Tumango si Hanna bago hinawakan ang harness na kakalagay niya sa lubid. She slid herself to the next building.

Isa-isa kong binaril ang mga nagtatangkang bumaril sa direksyon ko. I also heard several footsteps coming from below. Paniguradong nakarinig din ng ilang putukan ang mga staff sa building na ito, at huhulihin na nila ako. I reload my bullet that has sleeping pills. Wala kaming planong saktan ang mga tao dito, kahit kalaban pa sila, kaya bala na may halong sleeping pills nalang ang ginamit namin.

Nagtago ako sa pader habang patuloy na nakikipagbarilan. Maya-maya't nakaramdam ako ng vibration sa aking bulsa. It's the tracker, telling us that Jack and Kyle invaded the second base.

Flashback

Nasa sala ako, nakatayo, at nililinis ng mabuti ang baril nang nakaramdam ako ng yakap sa bewang mula sa likuran.

"Hey.." Jack kissed my right cheek.

"Tumigil ka. Wag sa lugar na'to." I coldly said. While others are busy preparing their things, ang mokong na ito ay pasimpleng nanghahalik sa akin.

Hindi pa maproseso sa utak ko na posibleng magkakabalikan kami ni Jack. Are we even back together? How do I call our relationship right now? Ayokong mag assume. Still, I must not let my guard down.

He's so clingy nowadays.

"I just miss you." He whispered. Ugh, this is why girls dream about bedding him so bad.

"Halos araw-araw na tayong nagkikita, sasabihin mo pa iyan? Hindi ka ba kinikilabutan?" Tsaka okay lang ba na hahayan ko siyang maging clingy? We didn't even settled everything. Lahat ng panahon noong iniwan niya ako ay hindi pa namin inungkat hanggang ngayon. No one's opening the topic. Maybe we're both scared of our own revelations. Gaya ng sabi ko, hindi rin ako nagmamadali.

"Why would I? Tsaka ba't ayaw mong halikan kita sa lugar na'to? Which place would you like me to kiss yo---" siniko ko siya ng malakas nang biglang dumaan si Hanna mula sa kusina papuntang pinto ng bahay. Sa halip na masaktan siya ay parang ako pa iyong dumaing sa sakit ng siko ko.

He immediately withdrew his arms. Hanna pretended to not see anything, kahit alam kong naka 360° ang eyeballs niya. Feeling ko kahit nakatalikod na siya sa amin, tagos parin sa batok ang mga titig niya.

"Promise me not to get hurt." seryosong sabi ni Jack nang tuluyang makalabas si Hanna. Sa wakas, hinarap ko siya habang nagpupunas parin ng baril. He's staring at me while resting his hands on both of his side pockets.

"I can't promise you that. I don't want to make promises gaya ng ginawa mo noon."

Napataas siya ng kilay habang nagpipigil ng ngisi.

"Nandito naman ako ngayon ah? If you were hurt back then, so as I. At sa pagkakaalam ko, I never broke my promises to you. Ikaw parin hanggang ngayon, Sev."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Parang may kung anong lumilipad sa sikmura ko. I'll be convinced to say that the ones digging my stomach are worms. Sa gulat ko, hindi ako agad nakapagsalita.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now