10. Sinister Madness

38 3 0
                                    

Did not proofread :( Sorry

-------------------

Chapter 10

Sinister Madness

Lux' POV

As I walked through the hallway papunta sa klase ko, napansin kong hindi na ako hinarangan ng mga mukhang gangsters kahapon. Pati yung jowa nila ay hanggang tingin nalang sa akin. That's good, iba talaga ang epekto ng Twilight Slayers sa kanila.

Nang makapasok ako sa classroom, ganun parin ang ginagawa, ingay dito, kalat diyan. Haay! Makaupo na nga.

"Hi Lux!"

"Hi new classmate!"

Mabuti may iba ring nakaalala ng pangalan ko. They seem friendly, kaya nginitian ko sila. Hindi nagtagal, pumasok si Sir Charles sa classroom. Isang bagsak niya ng libro sa mesa ay napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa.

"Do I have to repeat for how many times? You're making this classroom a zoo. Have you forgotten the consequence that once you use your abilities, you will be put to death?"

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "I guess you forgot. Should I give you a reminder then?"

Sabay silang umiling, parang mga bata.

"I guess I should. Everyone, proceed to the gymnasium. Maglilinis kayo doon. Bibilang ako hanggang 30, dapat lahat kayo nandoon na.. Except for Ms. Morgan, Mr. Cruz, and Mr. Ramos, dito lang kayo. Okay everyone, at my count.... One... Two.."

Agad na nagsitakbuhan ang mga estudyante sa labas ng classroom. Nagka-stampede pa nga sa pinto.

"Araay! Ang kamay ko!" iyak nung isa.

"Hala dumugo!"

I closed my eyes, ayokong makita yung kamay niyang inaapakan. Ang brutal naman. Nang nasigurado na ang lahat ay nakaalis na, nagsalita naman si Sir Charles sa aming natira. I looked at the other 2 persons. Luckily, they are my groupmates yesterday.

"Hi Miss Lux! Pati dito magkagrupo tayo. Hehehhe." galak na sabi ng naka eyeglasses.

Yung mataba naman, ayan, natutulog. Kaya siguro sila lagi ang groupmates dahil pareho silang weird.. Hm, does that mean that I'm weird too? Hindi naman siguro. Sadyang hindi ko lang masakyan ang trip ng iba dito sa silid.

"Ehem... Mr. Cruz, maaari mo bang gisingin si Mr. Ramos?"

"A-ah. Opo." inayos ni Eyeglass Guy ang salamin niya bago niyugyog ang balikat ng mataba niyang kasama. "Psst, Bill. Gising....Gising...."

"Hmm." pagrespond ng mataba. Mukhang maganda ata tulog niya.

Sa huli ay nagising na nga si Bill. May laway pang nakadikit sa mukha niya na agad naman niyang pinunasan. Nang nakita niya si Sir Charles, agad siyang umupo ng maayos.

"Kayong tatlo, since napansin kong hindi naman kayo maingay dito sa classroom, hindi ibig sabihin na hindi na kayo mapapasabak sa paglilinis. Maglilinis din kayo, pero hindi sa Gym. I will assign you to the Museum."

"Hindi ba Sir pansamantala iyon na sinarado?" tanong ni Eyeglass Guy.

"Oo nga. Under construction pa ata iyon." dugtong ni Bill, yung mataba.

"Yeah. But early in this morning, nakatanggap ako ng balita mula sa board na open na ang Museum, and as soon as possible, kaylangan nang linisin. I gave it to you kasi hindi naman masyadong mabigat ang gawain. Nalagay naman sa safety ang mga gamit during the construction. All you have to do is to get rid of those dirts."  paliwanag ni Sir Charles.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now