4. AU Secrets

80 5 0
                                    

Chapter 4

AU Secrets

Hanna's POV

Pagkatapos inannounce ng konduktor ng AU sa mga estudyante na kaylangan na nilang bumalik, bumalik kami ni Evita sa kusina para kumuha ng walis at basahan para maglinis sa mga natitirang kalat ng estudyante.

Pero nang bumalik na kami sa kainan, nagkatinginan kami ni Evita.

"Nasaan siya / Where is she?" sabay naming tanong.

Ilang sandali kaming nagkatinginan. Uh-oh. I think I know where she is!

"Bus.." sabi ko.

"Konduktor.." - Evita

"Announcement.." -ako

"Umalis.." - Evita

"Papunta sa Amythyst University!" sabay naming sinabi.

Agad na tumakbo si Evita papunta sa locker niya. "Wala dito yung cellphone ko. Dapat nating matawagan si Uncle!"

Sinabunot ko ang buhok ko. "Alam mong hindi tayo basta-bastang makakapunta sa AU nang walang pass. Tsaka isa pa, hindi tayo estudyante doon!"

"We promised uncle about this. Na dapat natin siyang protektahan." seryosong sabi ni Evita.

"Anytime pwede siyang kunin nila." dagdag ko. Oh no.. this is bad. Really really bad.

Lux' POV

Pumasok na kami sa auditorium kung saan yung upuan ay parang hagdan, tas sa gitna ay ang malaking stage. Maginaw dito dahil sa aircon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sumusunod lang ako sa kanila.

Imbes na pumunta kami sa upuan ng mga estudyante ay umakyat kami sa second floor.

Doon sa second floor ay may tatlong pinto tas sa gitnang pinto ay may nakasulat na 'Twilight Slayers.' Binuksan iyon ni Conor at pumasok silang lahat. Huli akong pumasok, pero bago ako makapasok ay sinarhan na ako ni Andrea ng pinto.

Oh great. Kontrabida talaga ang isang 'to. Hindi ko naman siya inaano. Nag tongue out ako sa harap ng pinto kahit mukha akong tanga dito.

Heh! Para iyan sa'yo Andrea. Ang suplada mo!

"Ahem.."

Patuloy parin ako sa pagbebelat sa harap..

"Excuse me miss."

"Ay miss!" tarantang sabi ko. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

Oh...another hot demi god is here. Totoo nga ang sabi nila na puro mga pogi at magaganda lang ang pumupunta dito.

Kumunot ang noo niya pero agad niyang pinalitan ng killer smile. I like his dimples, though.

"Excuse me young lady, may I ask your name...and why are you here?" he has a good English accent.

"Lux.. Lux ang pangalan ko. Kasama ko si Jack pumunta dito, new student din."  Oh geez, kung pwedeng ikukulong yung nagsisinungaling number 1 na ako listahan. I lied to all of them that I am Jack's friend, kahit sa totoo'y pinulot niya lang ako just to save my ass.

He smirked. "Liar."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano yung ibig mong sabihin?"

"You're not his friend." Lumapit siya sa akin.

I shook my head to avoid his gaze. "Paano mo nalaman?"

Lumapit pa siya lalo sa akin hanggang sa pinag lebel niya ang mga mukha namin. Nilapit niya pa lalo ang mukha niya.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now