19. Safe In His Arms

35 7 0
                                    

Chapter 19

Safe In His Arms

Lux' POV

"Shit!" I cursed nang nabunggo ang katawan ko sa rehas na kahoy. Aray ha, masakit parin kahit kahoy ito. Mabilis parin ang takbo ng kabayo.

"Lux! Ang kutsilyo!" sigaw ni Sevie. I tried to reach my hand habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa rehas para maibalanse ang katawan ko.

Sana nga kahit sa pagkakataong ito naging si Lastik Man ako, para maabot ko siya. "Hindi ko kaya!" nilingon ko si Sevie.

"Bilisan mo, Lux. May nakasunod parin sa atin." sabay tingin niya sa likod. Oh right, there's still two of them, ang lapit na nila sa amin.

Okay.. Kaya mo 'to Lux. Konting abot nalang... Sinubukan ko pang lumapit doon, hanggang sa ang pinky finger ko nalang ang sumusuporta sa rehas.

"Lux!" tarantang sabi ni Sevie nang magkalebel na ang takbo ng mga halimaw sa kulungan namin. Saktong pagbangga ng halimaw sa kulungan, ay siyang nakuha ko ang kutsilyo.

"Aaahhh!!" sigaw ko nang binabangga nila ang kulungan, dahilan para magshake din ang katawan ko. Ni hindi ako makatayo.

"Wag kang tumayo, Lux.. Dumapa ka." Sinunod ko ang sinabi ni Sevie. Sinubukan kong dumapa para hindi na ako mabangga sa magkabilang rehas. Nang makalapit ako ay Sevie, mabilis kong pinutol ang lubid na nakabalot sa kaniya. Naku, ba't ang kapal ng lubid.

Isang bangga ulit ng halimaw, napasigaw ako dahil sa sakit. "Araay!" humapdi ang kamay ko. Langya, nasugatan ako.

"Lux, are you okay?" worried na tanong ni Sevie. Kahit masakit, sinubukan ko paring putulin ang natitirang lubid. Ang sakit sa katawan dahil pini-pwersa kong wag magpatianod sa pagbangga sa kulungan.

"Nice!.. Tama na ito, Lux. Ako nang bahala." mabilis na kinalas ni Sevie ang lubid na nakabalot sa kaniya. How can she manage that so fast? Bakit sa akin ang hirap?

"Ano nang gagawin natin?" kinakabahan kong tanong. Ni hindi ko alam kung saan patungo itong kabayo. Alam ba niya kung saan siya pupunta?

"Kaylangan nating makalabas dito. This cell made of wood was built by a Bathalom. Wala siyang nilagay na lagusan dito, but I can feel na manipis lang ang bubong nito." sabi niya sabay hawak sa bubong ng kulungan, na kasingtangkad lang namin.

"Bubuksan ba natin?" now I can see hope.

"Ano'ng natin? Ikaw lang ang magbubukas non." sabi niya sabay lagay sa kamay ko ang kutsilyo.

"H-Ha? Eh ikaw?" anlakas magbiro nitong si Sevie. She gave me an opportunity na hindi ko naman katalent-talent.

"I'll handle these jerks." seryoso niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What's with that look? Baka gusto mong makipag-away sa kanila." sabay turo niya sa dalawang halimaw na ngayo'y pinapasok na ang kamay sa loob.

"Waaaahhh ayoko nga. Sabi ko na nga ako nang magbubukas eh!" ang dilim na kaya, tapos nakita niya pa akong nakataas ng kilay. Mabilis kong tinusok ang kutsilyo sa munting kisame. Hala, oo nga! Manipis lang nga.

"Tama ka." lumingon ako kay Sevie na ngayo'y busy sa pagsipa ng kamay ng mga halimaw.

"Oo nga, kaya bilisan mo na diyan!" sabi niya.

"Okay!" nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang kisame. Ano ba, bubong o kisame? Ah basta. Nang nasigurado kong malaki na ito, I turned to her. "Done." sabi ko at tinago ang kutsilyo sa damit ko.

Siya naman, timing lang din na inalis ng mga halimaw ang kanilang kamay. "Let's go." sinuportahan ni Sevie ang paa ko habang maingat kong iniangat ang katawan ko sa taas ng bubong (bubong na kasi ang tawag don, period.) Dahil lumiko ulit ang kabayo, nawalan ulit ako ng pwersa.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now