50. Nightmare Conquerors

29 1 0
                                    

Chapter 50

Nightmare Conquerors

The Librarian's POV

26... 27... 28... 29... 30... There's 30 of us.

"Sigurado ba kayo na nandito si Lux Morgan at si Cyd Griffin?" Tanong ko sa aking kasamahan.

"Positibo po kami na nandyan sila."

Tumaas ang kilay ko. Ang sweet naman, pumili pa sila ng magandang spot para sa 'date' nila. Too bad this will be the end of their lovestory.

"Kunin niyo ang kwintas." Sabi ko.

"Masusunod po." Sagot nila.

We're 50 meters away from the treehouse, bago pa kami makalapit, isang pigura ang naaninag namin. I motioned my hand to stop the other Valkyries. Napaliligiran kami ng matataas na puno. The place right here is a bit foggy. Hindi ko masyadong maaninag ang pigura.

Sino kaya iyon?

Nang naging malinaw na sa akin ang lahat, nanlaki ang mata ko. My lips slowly curved.

Valentine is here. Ito na ang sinasabi ko. Ito ang hinihintay ko. I didn't expect na isang anyong tao ito. The nine warriors are supposed to be titanic and expansive, ngunit siya lang ata ang naiiba sa lahat. At siya din ang may kakaibang kapangyarihan.

"Attack the treehouse. Ako na ang bahala dito." sabi ko sa mga Valkyries. Sumunod naman sila. Lumapit ako sa kaniya hanggang sa 15 meters nalang ang agwat namin.

Sinuri ko ang buong katawan ni Valentine. Para siyang pupunta sa party dahil sa suot niya, pero mas namangha ako sa baril niyang kakaiba.

"Valentine.. Sa wakas, nagkita na tayo." I laughed evilly, trying to load my power by being fierce.

He smirked. "Talaga? Hinihintay mo ang pagkakataong ito? Pasensya na, hindi ako nakapaghanda, hindi kasi kita kilala." Prenteng-prente niyang inassemble ang kaniyang baril. "Mas mabuti pang tapusin natin ito ngayon."

I gritted my teeth. Unti-unting nagbago ang anyo ng aking balat. Sinuntok ko ang lupa dahilan para gumuho ito papunta sa kaniya. He jumped higher and landed gracefully on the other ground.

Muli kong sinuntok ang lupa kaya tumalon ulit siya. Kasabay ng pagtalon niya ay pinaulanan ko siya ng maliliit na patalim. Ngumisi ako. Tingnan natin kung maiiwasan mo pa ba ang mga atake ko.

But maybe I was wrong, dahil mabilis niyang inilagan lahat ng iyon! Damn, he's fast! My eyes widened when he landed in front of me, kicking my chest that makes me sit on the ground.

Hindi pa ako nakabangon, ay pinaputukan niya ang kanang tuhod ko. I groaned in pain.

"You're too weak to be my rival." He mocked. Natatabunan ng anino ng sumbrero niya ang kaniyang mukha pero ramdam ko parin ang nakamamatay niyang mga titig.

I'm an Ellimah. Kung meron man akong natitirang depensa, iyon ay ang katawan ko. I formed my body into a metal. Ang aking kamay ay pumorma ng patalim. Mabilis akong bumangon at inatake siya.

"Wala akong pakealam kung matalo man ako ngayon. Ang importante ay makuha namin ang kwintas." I tried to stab him in front of me pero agad siyang nawala.

"Valentine! Harapin mo ako! Wag kang duwag!"

"Hindi ako duwag," nasa itaas siya ng kahoy, nakaupo sa isang sanga habang ang isang braso niya ay nakatukod sa kanan niyang tuhod. "Iniisip ko lang kung naging mahalaga ba sa'yo ang mga estudyante mo."

"Wala akong pakealam sa kanila!Lumapit ka dito!" I shouted back at him.

"Alam ko ang lahat tungkol sa'yo. You're just a converted Valkyrie."

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now