47. Be my Date

17 1 0
                                    

Chapter 47

Be my Date

Lux' POV

"Sabing ibaba moko eh!" Kalmadong sabi ko ngunit kanina pa ito nagrereplay sa bibig ko.

"I won't go in a date with you." I crossed my arms.

"Alright. We'll just shop for your dress." Tamad niyang niliko ang manibela ng sasakyan. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga braso at daliri niya. The hell, kahit sa manibela nalang, ba't nakakaakit!?

"But it still useless! Hindi ako pupunta mamaya."

His brows furrowed, parang nagtitimpi. "Don't say that. Kahit anong sabihin mo, pupunta ka."

Haiisst! Kahit ilang ayaw ko, hindi parin siya nakikinig. Sa wakas ay huminto ang sasakyan sa isang mamahaling tindahan. Classy ito kumpara sa iba kong nakikita. Para itong tindahan ng Gucci or Louis Vuitton sa London, kung saan kokonti lang ang tao pero big time naman ang customers.

Pinagbuksan ako ni Cyd. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala ko ba bababa ako? Bahala ka diyan!

I don't know why sobrang naiinis ako ngayon, pero parang mas nangingibabaw ang disappointment. Mukhang nairita nadin si Cyd. Mabilis niyang hinaklit ang braso ko at hinila palabas ng sasakyan.

"Aahh!" Sigaw ko, muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya. At kahit hindi naman ako tumama sa katawan niya, amoy na amoy ko ang mabango niyang damit. Hinawakan niya ang pampulsuhan ko at hinigit sa mamahaling tindahan. Nang pumasok kami sa loob, namangha ako sa malaking chandelier sa gitna ng shop.

Ang mga damit sa manequins ay mamahalin din, pati yung sandals. Grabe! Ang tataas ng heels!

"This way, ma'am and sir.." Sabi ng saleslady. Napatingin naman ang ibang mayayamang customers sa amin, more importantly, sa kasama ko. Yung iba, pasimple pang kumuha ng letrato. Oh, it's a Twilight Slayer thing. Yung kahit saang lupalop sila pupunta, kilalang-kilala parin sila.

Huminto kami sa isang area kung saan napapalibutan kami ng mga damit na kumikislap. The gowns are colorful and gorgeous.

"Para kanino po ba, sir Cyd? Kay miss Andrea po?" Tanong ng saleslady na mas lalong nagpainis sa akin.

Ano? Kay Andrea daw?

Agad na umatras ang saleslady nang nakatanggap siya ng nakamamatay na tingin mula kay Cyd.

"No. It's for her." Kasing yelo ang lamig ng boses niya, kita ko ang panginginig ng saleslady sa harap namin.

Taranta niya akong tiningnan bago yumuko. "I-I'm sorry m-ma'am!"

Tumango lang ako. Pagkatapos non, dalawang palakpak ang ginawa ng saleslady  pumasok ang sampung saleslady sa silid na may hawak na tig-isang hanger ng magagandang damit.

They circled around us.

"You may now choose your kind of dress, ma'am." Matamis na sabi ng saleslady, pero hindi ko magawang ngumiti sa kaniya kaya hilaw siyang ngumiti pabalik.

Nag-umpisa akong maglakad from one gown to another.
Tahimik na nakasunod si Cyd sa akin sa gilid, tingin ko'y sinusukat niya ang mood ko ngayon kasi lagi siyang sumusulyap sakin.

Nakatatlong tingin palang ako ng damit pero hindi ko na keri iyong presyo. Iyong minimum price nila ay 500,000. Paano nalang kaya ang maximum?  Sa huli ay bumuntong hininga ako.

"Is something wrong?" Cyd asked. Kapansin-pansin ang makapal niyang kilay. Mukha siyang suplado, but heck, pati yung salesladies naglalaway na sa kaniya.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora