25. Red Room

40 4 0
                                    

Chapter 25

Red Room

Lux' POV

I spent my whole day just in the room. Walang magawa, still recalling what happened in the past days. Akalain mo iyon, sa dami-daming nangyari, nagawa ko paring mabuhay. It's not luck... Because I am saved for a reason.. I'm still alive for a purpose. Bakit kasi ako?  Arrgh. This is killing me. Makatulog na nga ulit.

Pagdating ng tanghali at ng gabi, sa kwarto lang ulit ako kumain. The Twilight Slayers are not in the mansion. Natatakot na din akong lumabas dahil para akong nasa abandonadong palasyo na walang katao-tao. Dim na din ang lights sa mga silid. Para talagang sa horror movies. Sa kalagitnaan ng gabi naman, nagising ako sa mga sasakyan na nakaparada sa labas ng mansiyon. It must be them.. Hindi ko nalang pinansin.

Sa sumunod na araw, pwede na akong pumasok. I think nakuha ko naman ang lakas ko sa dalawang araw na pagpahinga ko. Sa araw na ito, mas maaga akong nagising. Naka pink skirt ako at blue na blouse. Sumuot din ako ng black na dollshoes na naka-display dito sa shoe rack. I also tied my hair in a ponytail.

Since maaga pa, naisip kong bumaba na. I think of going downstairs para hindi na sila mag-abalang umakyat dito. Nakakahiya nadin kasi. But when I was about to go out, nakita ko si Cyd na naglalakad sa pasilyo at si Andrea na nakasunod sa likod niya. Base sa mukha ni Andrea, parang sinusuyo niya ito si Cyd. On the other hand, Cyd looks pissed along the way.

Agad ko namang sinarado ang pinto. Wooh, buti nalang hindi nila ako nakita! Dahan-dahan ko ulit iyong binuksan at nakita na pumasok silang dalawa sa kwarto, leaving the door open. I don't know what's in between them but I want to find out something.

Tiningnan ko ang bintana. Madilim pa nga sa labas. Tahimik akong lumabas at maingat na naglakad papunta sa may pinto. Nakita ko si Cyd na hinuhubad ang kaniyang jacket, revealing his white sando and his, well.. His muscles.

"Cyd I know that you already have feelings for me. You know that I don't like Declan even an inch."

Napakagat labi ako sa narinig ko kay Andrea. Si Andrea naman, nakaupo sa dulo ng bed at nakatingala sa kaniya. Cyd is busy doing or finding something in the cabinet.

"Stop talking about nonsense Andrea. I'm not falling for anyone...and that includes you." Malamig na sabi ni Cyd.

Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Andrea, pero pinatuloy niya parin ito. "Imposibleng hindi ka mapamahal sa akin. Lagi tayong magkasama ng ilang taon. You even respond to my kisses! You're just afraid that Declan will find out--"

"Cut it out!" sa wakas ay hinarap siya nito. "It's useless... I will never fall for you. Kaya tama na. Stop dreaming of something that will never happen. You should go now and do your job."

"Bakit? Ano pa ba ang kulang sa akin? I have the brain, I have the fashion, I have the fame! Ikaw nalang ang kulang. Please.. Ni kahit konti wala kang nararamdaman?" Tumayo siya at lumapit kay Cyd. She looked at him with adornment and at the same time, fear.

"Kahit katiting lang?" She slowly held Cyd's shoulders.

Napaiwas ako ng tingin. Don't tell me gagawa ulit sila ng part 2? At ako na naman ang makakakita? And what will I do again once they found out that someone is peeking? Naku, repeat the cycle na naman. Pero kahit gustuhin kong umalis, ayaw parin ng katawan ko.

Cyd looked at her with the same cold expression. "None."

Agad kinalas ni Andrea ang kamay niya at tumalikod. I heard her sobs. "Kung hindi man lang pala kita makukuha, It would be better na aalis nalang ako. I will not continue my job anymore. I will go out in this freaking University!" humarap ulit siya kay Cyd. "Alam mo bang malapit ko nang mailigtas ang mga Morgan? If you would just give me more time... pero ayaw mo pala sa akin. All my efforts will be put into waste."

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now