14. When Normal Days Aren't Normal Enough

37 3 0
                                    

Chapter 14

When Normal Days aren't Normal Enough

Hanna's POV

Good day Ladies. I'm sure hinahanap niyo na ako sa ngayon. Sana nasa mabuting kondisyon kayo. From last week until now, I'm struggling in finding answers. Ngayon, gusto kong harapin ang pagsubok na iyon. To be honest, hindi madali sa akin ang iwan kayo, lalo na si Lux, pero napag-isip isip ko na.... Ito lang ang tanging paraan para maligtas kayo. Iligtas niyo din ang sarili niyo sa kapahamakan, hangga't maaari. Time will come na kayo naman ang papatayin nila.

P.S. I cannot find the right answers in the first place. But on the second thought, I must have put it in my cabinet.

"Hindi ako skilled dito ha, just to inform you." sabi niya sakin. "..I think let's first check his cabinet, kung ano mang nakalagay doon."

Pumunta kami sa kwarto ni uncle kung saan may nag-iisang cabinet lang ang nandoon. Compared to Lux na maraming gamit, sa kaniya naman, simple lang ang kwarto. Minsan lang din umuuwi ang asawa, kaya wala masyadong gamit dito.

I quickly opened the cabinet. I raised my brows. Okay, there's a box here, a big box. May nakalagay na salita sa front ng kahon. It says here:

'After the Dot'

"Try mong buksan ang kahon, Hanna." sabi niya.

What? Buksan ang kahon? Baka kung ano ang nasa loob nito. I'm wondering na baka ulo na pala ito ng tao, o kaya naman, lamang loob! Napalunok ako ng laway.

"Hoy.. Ba't namumutla ka?" tanong ni Evita.

"N-Nothing.." I said.

"Buksan mo na, bilis."

Maingat kong binuksan ang kahon. Whew! It's just a pile of papers. Binuhat ko ang kahon at nilapag sa sahig, sa harap namin. Kinuha ko ang mga papel at isa-isang tiningnan.. There's nothing strange. It's just a list of documents and names of people.

"I don't get it. Ano pa ba ang hinahanap natin? Looks like Uncle's letter is clear na may gagawin siya para nadin sa ikabubuti natin. Why are we still wandering all over?"  Lumuhod ako para ibalik ang mga papel.

"Yeah, the letter makes sense. Kung titingnan natin, maaring sinabi nga niya ito sa atin to warn us na dapat maging maingat tayo. But why did he have to tell us na yung findings niya ay nasa cabinet? If it's a mystery to himself, bakit niya pa sasabihin dito?" tiningnan ko siya ng ilang sandali.

'I must have put it in my cabinet'

Iyan ang nakasabi sa letter.

"What is Uncle trying to tell us?" It's just a list of people and some other stuffs here.

"Uncle wants us to connect to the people listed in those documents." seryosong sabi ni Evita.

"What? Ang dami naman nila? How can we be so sure na iyan nga ang gusto ni Uncle? We can't just rely on assumptions." I'm just making sure in whatever actions that we take.

"Magtiwala ka sa akin, Hanna. Wala sa box ang clue.. Nandito sa papel."

Tumayo ako at tumabi sa kaniya. "Lagi talagang tumatatak sa akin ang note niya sa P.S." hinintay ko lang siya na magsalita ulit.

"What's the name of the box again?"

"After the dot."

"After the dot? It's strange to name a box like that....It's connected to this letter." naglibot siya sa buong kwarto, at nang mahanap ang isang ballpen at notebook, binigay niya iyon sa akin.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu