53. An Axe and a Mask

21 1 0
                                    

Chapter 53

An Axe and a Mask

Hanna's POV

Nakarating ako sa bahay na tulala parin.

"Are you sure you're okay?" Kyle asked in a cold voice. Nakailang tanong na siya sa akin nito, pero paulit-ulit lang ang sagot ko.

"Yeah," I answered habang nakatingin parin sa kawalan. Hindi parin ma-process sa utak ko na si Jack iyon. I mean, paanong naging si Jack?

"Alright." Tanging sabi ni Kyle bago ako pinagbuksan ng pinto. Hindi nagtagal ay umalis nadin siya kasama ang kaniyang sasakyan.

I silently walked inside the house and witness JB sleeping on the sofa. Tahimik ang buong bahay dahil may kaniya-kaniyang klase pa ata ang iba. It's too early to rest inside my bedroom, so why not gumala muna ako diba? Naglakad ako papunta sa high way ng maraming sasakyan.

"Kuya! Para po!" Tawag ko sa driver ng blue na sasakyan. He immediately stopped. Sumakay ako pero bago iyon, napahinto din ako saglit.

Why do I sense like there's someone's following me? Hmm, baka guni-guni ko lang iyon.

Saan nga ba ako pupunta?

I just wanna figure out kung anong lugar ang madalas na pinupuntahan ni Jack at yung mga gawain na madalas niyang ginagawa. Maybe I could find some clues out there. Mabilis akong nagtipa ng message kay Kyle.

'Hey Kyle, pwede bang magtanong?'

Pero agad kong dinelete iyon nang marealize na delikadong gawain pala ang magtext sa kaniya. I mean, Kyle and Jack are both Twilight Slayers. They have the strong bond and their abilities are more powerful.

Tsaka may isang bagay din na bumabagabag sa isipan ko. It's Jack's connection to Sevie. Kung may ugnayan silang dalawa, does that mean alam din ni Sevie ang ginagawa ni Jack? Or maybe it was just Jack's plan all along and Sevie is out of this. Pero paano si Sevie? Niloloko lang ba siya ni Jack? Eh paano kung magkasabwat sila ni Sevie?

"Argh.." Mahinang daing ko habang minamasahe ang gilid ng noo ko. Bumaba ako sa administration building kung saan may office doon ang Twilight Slayers. Maraming offices ang Twilight Slayers pero ito lang iyong alam ko.

I quietly bowed to the faculties na makakasalubong ko. They're busy on their books and class records, kaya iyong iba ay hindi narin ako pinapansin. It's fine. Naglakad ako sa mahabang hallway ng admin, kung saan sinisigaw ang mamahaling materyales ng sahig at ceiling. The whole AU is magical. Kung ikukumpara ito sa ibang school, walang may makakapantay sa pagiging elegante ng AU.

I stopped at the door where their office is. Glass yung pinto kaya nakikita ko iyong nasa loob. Mabuti walang tao, and fortunately, bukas ang pinto. Pasimple akong pumasok nang mapansing walang tao ang tumitingin sa akin. Right when I entered, huminga ako ng malalim. Malamig ang kwarto dulot ng aircon. May mga kaniya-kaniyang tables din ang Twilight Slayers. Each of them has their own monitors, bookstands, and other essential things.

Lincoln's table is full of wine bottles. Tsk. Ano pa nga ba ang aasahan ko mula sa kaniya? Sunod ng mesa ni Lincoln ay mesa ni Jack.

"There you are," I whispered. Agad akong pumunta doon. I opened his drawer and scanned the papers inside it.

Hmm, puro sa school lang naman eh, mga evaluation ng students sa kaniya, na halos perfect lahat iyong score kahit mukha siyang snobber at suplado.

Binuksan ko ang pangalawang drawer. Hmm, mga school supplies lang naman. Actually siya iyong may pinakaboring na mesa dito sa kanila. Lumuhod ako para sa last na drawer. Nang binuksan ko iyon, nanlamig ang buong katawan ko.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsWhere stories live. Discover now