Aba't...

Gago ba ang isang to?

"Ano sa palagay mo, Xion?"

Ang mga ngiti nya. Minsan na lamang sya ngingiti sa tao ay nakakabuwisit pa. Kung wala lamang kaming pinagsimahan, baka kanina ko pa sya inumpog sa pader nang magising gising sya.

Kilala ko kung sino ang tinutukoy nya.

Noong nakaraang nasa ospital ako, kinuwento sa akin ng kakambal ko na ang kababata namin ang syang sasalo sa puwesto nya sa gig.

At si Saga iyon.

Mukhang nabano sya nang makita nyang tumugtog at kumanta ang siraulong babaeng yon. Pero sigurado akong hindi nya ito gusto. Talagang malakas lamang mang-asar ang loko-lokong ito.

Lalo na at alam nyang gusto ko si Saga.

"Gusto naman ako ng kaibigan mo, hindi ba?"

"..."

"At isa pa..."

"...Gusto rin ako ng kakambal mo para sa kaibigan mo."

"...Gusto rin ako ni Yonghoon hyung para sa kapatid nya."

"..."

"Siguro naman..."

"...Ayos lang din sayo na si Saga naman ang ligawan ko."

"..."

"Ano sa palagay mo, 'tol?"

Siniko pa nya ng bahagya ang aking tagiliran. Seryoso ba sya sa sinasabi nya? O ganito lamang talaga sya kalakas mang-asar tuwing umaga? Sa gabi naman ay tahimik at halos hindi nagsasalita maliban kung may kaharap na mikropono.

"Hoy, Lee Giwook." -Ako sa kanya nang mahina kong kabigin ang kanyang brasong umakbay sa palibot ng aking batok.

"..."

"Wala akong pakialam kung kaibigan kita o malapit na kaibigan ka ng kakambal ko."

"Hindi na sakop ng concern mo si Saga. Kaya wag ka ng makigulo pa. Ako lang dapat ang manliligaw nya----A-A-ARAY! ARAY! ARAY! BITAW NA---OO NA! ANO BA YON?!!!"

Putang---

Ang sakit ng tenga ko!

Sino ba itong bigla na lamang darating at mamimingot ng tenga ng may tenga?!!

"Hoo! Ang sakit!"

"Ano ba kasi yun, hyung?!! May kausap yung tao e!"

"Hyung-hyungan kaya kita sa mukha? Alas nuwebe na, oras na ng klase mo, gago ka. Dito ka pa talaga dumayo ng kahambugan mo."

Ako pa talaga ang sesermunan nya? E sya nga itong third year na ay hindi parin nagtatanda sa oras ng pasok.

"Puro ka porma sa kapatid ko, tingnan mo nga ang kuwelyo mo hindi mo napaplantsa ng maayos na demonyo ka, Son Dongju."

Hmp---talagang---naku! naku, hyung. Kung hindi ka lang kuya ni Saga...baka nasikmuraan na kita, napaka-ingay mo sa umaga. May pinagmanahan talaga ang kapatid mo!

"Lumayas ka na sa harap ko, Xion. At baka samain ka sakin. Si Saga isabay mo pauwi mamaya ha, at may practice kami paglabas nina Dongmyeong."

"Wag na wag mong isasakay ng motorsiklo yun, bobo yun umangkas. Wag mo ring isasakay ng taxi at baka kunsan mo dalhin. Tama na ang bus. Sige na, sige na. Evaporate."

"Ang akala ko ba ayaw mong pasamahin sa akin yang kapatid mo, hyung? E bat hindi ikaw ang magsabay?"

"..."

"E kung pagsabayin ko kaya tong paa ko pan-sipa sayo?"

"Ang dami mong sinasabing bata ka."

"O? At ikaw, Cya. Humabol ka mamaya ha, hihintayin ka namin nina Harin."

"Sya, sige na, akyat na ako. Late na rin ako." -Si Yonghoon hyung na akala ko ay hindi na titigil sa kasasalita.

Akala ko rin ay kung sino syang miyembro ng kulto sa suot nya. Mukha talaga syang mafia boss kapag nakauniporme. Gwapo pa naman sana sya, kaso mukhang tatandang binata sya sa kakabanda.

Pati si Cya na matagal nya nang kasa-kasama, napapakamot ulo parin sa pinagsasabi nya. Mabuti naman ay lumayas na sya sa harapan namin.

"..."

"O ano? Bat hindi ka pa rin pumasok? Naroon na si Saga kanina pa. Buntot ka, diba?"

Aba't---talagang...sumosobra na ang kulot salot na ito ah. E sya nga itong palaging buntot kay Kang , kulang nalang ay sundan nya ito at pati sa dance studio ay mag-enroll.

Hindi pa ako nakakarebutt sa kanya ay nagsalpak na ulit sya ng magkabilang airpods at tumaljikod sa akin. Nakakabwisit sya tingnan na walang pakialam sa paligid nya basta nakikinig sya ng sarili nilang kanta.

Loko-loko talaga.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon