EPILOGUE

317 25 11
                                    

CHRIS POV

Nakatayo ako sa harap ng salamin at tinitingnan kung okay na ba ang suot ko , 

Ang tagal kong hinintay ang araw na ito, 

"Chris, pwede ba kitang makausap sandali?" agad akong napalingon kay Tito na kakapasok lang sa loob ng kwarto na tinutuluyan ko

"Sure Tito, upo po kayo"

Sabay naman kaming umupo sa sofa na nasa gitna ng kwarto

"Call me Dad, konting oras na lang and magiging parte ka na talaga ng pamilya, dont worry nasisiguro ko na hindi na gagawa ng kalokohan ang panganay ko" pabirong saad ni Tito este Dad pala

"Dad pakinig ko yon ah, bat ba laging parang takot na takot kayo na kokotra na naman ako, eh payag na nga ako eh" depensa ni Kuya Leo habang lumalapit sa amin, kasunod nya sa likod nya si Liam

"Bakit nandito ka? Diba sinabi ko na wag kang susunod dito" sermon sa kanya ni Dad

"Eh curious ako sa kung anong gagawin nyo dito eh

Napabuntong hininga nalang si Tito dahil sa inasta ng panganay nya, habang kami naman ni Liam ay natawa nalang 

"By the way Chris, just imagine na wala yang dalwang yan dito" natawa naman ako sa sinabi ni Tito

Siguro ganon talaga kapag lumaki ng may tatay, talagang kitang kita ko kung gaano sila kaclose

Kung buhay lang siguro ang tatay ko, ganito rin sana kami sa isa't isa

"I know na napakadami nyo ng pinagdaanan, siguro blessing in disguise na rin ang ginawa ni Leo noon para atleast ngayon mismong kayong dalwa na ang nagdesisyon at ikaw pa mismo ang nagpropose sa kanya 

Simula pa lang ay hindi na ako tutol sa kung sino man ang mamahalin ng anak ko, buhay nya yun at nandito lang ako para gabayan at damayan sya sa kung anong mangyayari

Naniniwala ako na aalagaan mo ang anak ko, napakarami naming pagkukulang kaya sana ay ikaw na ang bahalang kumumpleto non, nagalit ako sa ginawa mo sa anak ko noon at sa pagsisinungaling mo sa amin

Aaminin ko na ako na sana ang hahadlang sa relasyon nyo noon, pero nang bigla kang pumunta sa opisina at personal mo kaming kinausap, nakuha mo ang loob ko

Naibalik mo ang tiwala ko, at nakita ko kung gaano kalaki ang tiwala mo sa pagmamahal na mayroon kayo noong hingin mo sa amin ang kamay nya kahit na wala pang kasiguraduhan kung babalik ba sya

Chris, ingatan mo ang anak ko, 

Hindi na palaisipan sa akin kung gaano mo sya kamahal dahil nakita ko yun, hindi biro ang maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan"

Sobrang na-touch ako sa sinabi ni Dad, this time hindi ko na sisirain ang tiwala nya

"Maraming salamat po sa buong pusong pagtanggap nyo sa akin. Iingatan ko po si Ash, mahal na mahal ko po sya" nag ngitian naman kami ni Dad

Parehas lang naman ang gusto namin eh, at yun ay ang mapasaya si Ash

"Pwe, ang corny nyo" singit naman ni Kuya Leo

Agad naman syang sinamaan ng tingin ni Dad, "Ikaw Leo tumigil ka, kaya ayaw ko na nandito ka eh

"Tito ilalabas ko na po ba?" biro naman ni Liam

"Sige nga hijo, panira yan ng mood

"Wag na Dad, tatahimik na ako" agad namang saad ni Kuya at umakto na parang behave na estudyante sa loob ng classroom

Let Me Love You [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя