CHAPTER 20

234 15 3
                                    

ASH POV

"Ahm Chris? bakit nga pala wala ang parents mo kanina" tanong ko habang inaayos ang mga gamit namin

"Hindi ba nasabi sayo nina Lola?"

umiling ako

"Wala na sila Ash, they died when I was 6 years old, car accident" bakas ang pangungulila sa boses nya

"Im sorry hindi ko alam" nakonsensya ako dahil binuksan ko pa ang topic tungkol doon

"Okay lang, matagal na yun. Tulog na ako sobrang napagod ako kanina eh, goodnight"

"Goodnight

Nahiga na sya sa kabilang dulo ng kama, habang ako ay itinuloy ang pag aayos ng mga gamit at pagkatapos ay tumabi na rin sa kanya

Mag-uumaga na pero hindi pa rin ako makatulog, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko

Ngayon, hindi na ako Gomez, I am officially an Alvarez, pero hindi ko magawang maging masaya sa kabila ng lahat ng iyon

Maaaring dahil alam ko na hindi naman ako ang gusto nyang makasama, wala syang sinasabi na kahit ano, wala syang sinasabi na kahit ano tungkol sa mga plano nya

Hindi nya binanggit kung tuloy ba yung relasyon nila nung girlfriend nya o nagbreak sila dahil nitong kasal, napakahirap ng sitwasyon na pinasok ko. Hindi naman pwede na kasal kami pero may girlfriend sya, konting respeto man lang sa part ko bilang asawa nya

Nakatingin lang ako sa likod nya, habang sya ay mahinbing na natutulog.

Ang lapit lapit mo na, pero hindi pa rin kita magawang abutin

Lumabas ako ng kwarto para magpahangin, baka sakaling dalawin ako ng antok

"Loves bakit gising pa po kayo, siguradong napagod din po kayo kanina, kailangan nyo pong magpahinga

Nadatnan ko si Loves sa living room habang hawak ang picture nila ni Lolo

"Apo, wag mo akong alalahanin, okay lang ako, halika umupo ka rito"

Sinunod ko ang sinabi nya, naupo ako at humilig sa kanyang tabi

"Alam mo ba Apo, hindi ko inakala noong una na ang Lolo mo ang panghabang buhay ko. Dahil sa istorya namin, doon sya unang naniwala sa Tadhana" nakangiting wika ni Lola habang nakatingin sa larawan ng kasal nila 

"Maari nyo po bang ikwento sa akin Loves?"

Ngumiti sya at inihiga nya ang ulo ko sa binti nya, ramdam ko ang paghaplos nya sa ulo ko na para bang bata na pinapatulog

"Akala ko nung una ay mga magulang lang namin ang dahilan kung bakit kami nagkita,  akala ko planado lahat na ipinagkasundo kami sa isa't isa. Na kailangan naming ikasal dahil sa pamilya namin, pero bago kami ikasal ay may nakita kaming litrato. Litrato ko habang nasa Luneta at napansin ng Lolo mo na sya ang nasa likod ko noong araw na iyon habang nagpapakuha rin ng litrato sa kanyang kaibigan, tiningnan namin ang litrato nya at makikita rin ako doon. Hindi namin yun pinansin noong una dahil baka nagkataon lang pero hindi yun ang huling beses na makikita kami sa iisang larawan na hindi namin alam. Mayroon sa simbahan, sa eskwelahan, sa kainan, at meron din sa Batanes"

Namangha ako sa pangyayaring iyon, matagal na silang pinaglalapit ng hindi nila alam

"Loves, ang galing, nandoon kayo sa parehong lugar at sa parehong pagkakataon

Hindi ko maitago ang aking pagkamangha

"Napakaliit ng tyansa na sya na mapapangasawa ko ay mahahagip sa mga litrato ko at ganon din ako sa kanya, doon namin na realize na kami talaga ang para sa isa't isa, at hindi lang yun dahil ipinagkasundo kami, dahil kahit na ganon ay mahal na mahal namin ang isa't isa"

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon