CHAPTER 36

202 14 1
                                    

ASH POV

Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin lahat ng guilt, pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat

Nagpahatid na ako kay Alex pauwi rito sa bahay, tutal hindi na naman pa ako kailangang obserbahan sa ospital dahil alam na ni Khai kung anong problema

Inalok ako ni Chris na kung gusto ko raw ay sasamahan nya muna ako, pero ako na ang kusang tumanggi

Kailangan kong mapag-isa para makapag-isip,

Hiniling ko rin sa kanilang lahat na wag muna sabihin sa pamilya ko na naospital ako, tutal si Khai lang naman ang nakakaalam ng buong kwento

Sinigurado ko muna na nasa loob ng kwarto nya si Chris at si Lola Anita naman ay namamalengke bago ako muling lumabas sa kwarto at pumunta sa room ni Lola para kunin yung mga susi ng bawat kwarto

Rinig na Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko, may posibilidad na muli akong mahimatay dahil sa gagawin ko pero kailangan ko tong harapin, hindi pwedeng habang-buhay na lang akong ganito. 

Kailangan ko harapin ang pinakamadilim na bangungot ng buhay ko

Nanginginig kong inilagay yung susi sa pinto at pinihit iyon

Nabuksan ko na, ang kailangan ko nalang gawin ay itulak it at pumasok sa loob

Huminga muna ako ng malalim para makakuha ng lakas ng loob, lakas ng loob para harapin ang nakaraan

Dahil hanggang hindi ko ginagawa to ay hindi ako patatahimikin ng nangyari, hindi ako patatahimikin ng sarili ko

Dahan dahan kong binuksan ang punto, at kinapa kung nasaan ang switch ng ilaw

Pagkapindot ko ay bumaha ng liwanag sa buong silid

Wala pa ring pagbabago

Halos walang nagalaw sa buong kwarto, nadoon lahat ng laruan na bawat isa ay may kapares, magkakaparehas na gamit na halos nagkakaiba lamang sa kulay

Isinara ko ang pinto at nilobot ko ang silid, napakaraming ala-ala sa bawat sulok ng kwartong ito, 

Dati pareho kami ni Azy na tumutuloy dito, kaya lang inihiwalay sya sa akin noong lumala na yung kundisyon nya, may sakit kasi sya sa puso at kailangan nyang makapagpahinga ng maayos

Noong delikado na ang sitwasyon nya, dinala na sya ni Loves sa Mindoro kasi mas tahimik doon at mas matututukan ang recovery nya

Ang sarap lang balikan noong mga pagkakataon na patas lang kami, na okay pa kami, na hindi pa ako naiingit sa lahat ng atensyon na nakukuha nya

Kinuha ko sa drawer ang isang box at kinuha sa ilalim ng carpet yung susi, 

Kinakabahan ako kanina kasi baka nawalis na yung susi, hindi biro ang 15 years

Sana nandito pa

Binuksan ko ang kahon at napangiti nalang ako ng makita na nadoon pa ang hinahanap ko

Umupo ako sa kama at binuklat ang sulat na laman ng kahon. Nanatili ang ngiti sa labi ko ng makita ang makulay na disenyo noon mula sa labas, may drawing ng mga bulaklak at puso at ang pinaka tumatak sa akin ay ang dalawang stickman na magkahawak

Nakangiti man ako pero unti-unti ng pumapatak ang luha sa mga mata ko

Ibinigay sakin ito ni Azy noong araw bago mangyari ang aksidente, hindi ko ito pinansin at inilagay ko lang sa bag ko, dahil nga sa hinanakit ko sa kanya

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang sulat at binasa ang laman noon

Dear:Bunso

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now