CHAPTER 1

671 46 37
                                    

Ashley's POV

"ASHLEY! ASHLEY gising na!" 

Hmmmmmm ang aga pa eh, parang katutulog ko pa lang ah

"Ano ka bang bata ka bumangon kana, akala ko ba may klase ka ng alas dyes, anong oras na malalate kana!" rinig na rinig ko ang pang gigising ni Lola Anita mula sa labas

AArrgggggghh this is why i hate morning classes, gusto ko pang matulog, di ko kasi naalala na may klase pala ako ng umaga, hayssssttt nanood pa naman ako ng Black Clover  (anime) kagabi.

"Hija babangon ka ba dyan o sasabihin ko sa kuya mo na ayaw mo, parehas tayong malalagot don" pagbabanta ni Lola Anita

At dahil sa sinabi ni lola ay bigla na lang akong napabalikwas ng bangon at tumakbo sa pinto

*door opens*

"Kayo naman Lola di na kayo mabiro, eto na po oh mag aayos na ako. Just pleaseeeeeeeee, wag nyong tatawagan si kuya" pagmamakaawa ko with matching beautiful eyes

"Hahaha, ikaw talagang bata ka, nasa huling taon mo na sa kolehiyo pero takot ka pa rin sa kuya mo" biro ni Lola

"hahaha, alam nyo na po ang sagot dyan lola, kahit naman sina Daddy ay takot don. Sige po mag-aayos na ako" i closed the door while smiling at her

Actually si Lola Anita, sya yung pinakamatagal na naging maid dito. Sabi ni Dad eh bata palang sya andito na si Lola. Sya ang pinaka pinagkakatiwalaan ng pamilya.

And yes takot ako kay kuya, even our parents takot din sa kanya. He has that Aura of Someone who is superior. Kaya kapag yun ang nagsalita talagang dapat sundin.

I entered my bathroom to take a bath, it may sound weird but for me this is the best part of our house.

Maybe because most of the time ang bathroom na ito ang nakikinig sa lahat ng hinaing ko sa buhay, even my happiest and saddest moment dito ko nilalabas at kinikwento. I am an introvert kind of person, family ko lang ang sinasamahan ko, but sad to say, all of them are busy running our business and si kuya naman he's pursuing his Master's  sa Thailand. He's an Industrial Engineer by the way. 

I turned on the shower, at ramdam na ramdam ko ang paglagaslas ng malamig na tubig sa buo kong katawan. Pilit kong pinigilan na wag sumigaw dahil sa lamig ng tubig. Binilisan ko ang paliligo kasi nilalamig na talaga ako.

 After 30 minutes, ay handang handa na akong pumasok. 

Nagmamadali akong bumaba kasi baka malate ako

Pababa na ako ng maamoy ko ang pamilyar na pabango na ilang buwan ko ring hindi naamoy, lumingon ako sa dining table at nakita ko ang likod ng may katandaan ng babae na kumakain. 

Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi, she's back

"Looooooveeeessssssssss" tumakbo ako papalapit sa kanya at yumakap

I miss this old lady so much

" Apo, di naman halata na miss na miss mo ako eh ano, tuminding kana at saluhan mo kami sa pagkain" tumatawang sambit ni lola

Gosssshh pati tawa nya talagang namiss ko

Wait! she said kami, so it means may iba pang tao?

Napatingin ako sa lalaking kauupo lang

And he's not familiar to me

Pero hinayaan ko nalang, he looks harmless naman

Naglagay ako ng toast bread and egg sa plate ko ng muling magsalita si Lola

"Apo, sya nga pala si Christopher Alvarez, apo sya ng matalik kong kaibigan" nakangiting wika ni Lola

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now