CHAPTER 11

192 19 8
                                    

CHRIS POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa sinabi nina Lola kanina. Ako? Ipinagkasundo ni Lolo. Uso pa ba yon?

Pero sa ngayon hindi na mahalaga kung uso pa ba o hindi dahil nandito na to. This is reality and bullsh*t hindi ko alam ang gagawin ko

Sobrang nabigla kaming lahat dahil hindi namin inaasahan ang bagay na iyon.

Bakit?

Puro bakit ang laman ng utak ko, bakit ako ilalagay ni Lolo sa ganitong sitwasyon, wala syang nababanggit na kahit ano tungkol dito noong nabubuhay pa sya.

Bakit kailangang sya ang magtakda ng kung sino ang makakasama ko hanggang sa pagtanda.

Ang kasal ay kasal, hindi yun basta basta, dapat may pagmamahal, pero pano mangyayari yun sa paggitan namin ni Ash kung ang mahal ko ay si Yana.

Naputol ang pag-iisip ko ng bilang tumunog ang phone ko

*Yana Calling*

Napabuntong hininga ako, nawala sa isip ko na kanina pa nga pala sya tumatawag

I answered the call

"Sorry ngayon lang" wala akong ibang masabi kundi sorry

"Ano bang pinagkakaabalahan mo, kanina pa akong tumatawag pero hindi ka sumasagot" bakas ang inis sa boses nya

"Im sorry, ngayon kasi ang birthday nung kaibigan ni Lola kaya busy ako kanina" paliwanag ko sa kanya

"Busy huh? Really?" she sounds sarcastic

"Busy kasi talaga kanina at ang ingay pa kaya hindi ko nasasagot ang tawag mo, sorry talaga Yana" pagsuyo ko sa kanya

"Ano ba talagang dahilan kung bakit busy ka?"

Medyo nagtaas na sya ng boses this time, hindi ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganito

"Yana, please calm down" Pilit ko syang pinakalma, hindi ko kaya na mag-away kami ngayon dahil sobrang dami ng iniisip ko at hindi ko na kaya kung may dadagdag pa

"Calm down really? After I saw a picture of you dancing with someone else? At ang saya saya nyo pa, Sige ngayon mo ako sabihan ng calm down!" ramdam na ramdam ko ang galit nya dahil medyo nanginginig pa ang boses nya

Hindi ako kaagad nakaimik dahil hindi ko alam kung paano ako sasagot

"Ano ba talagang pinagkakaabalahan mo dyan? Yung party o yung babaeng kasayaw mo?" galit na tanong nya

"Ano bang pinagsasasabi mo Yana, syempre yung party" medyo naiinis na ako sa mga nangyayari

"Alam mo nakakainis ka, nakita ko yung picture nyo nung babae tapos ngayon sasabihin mo yung party ang pinagkakaabalahan mo, eh abalang abala ka nga sa pagsayaw sa kanya!"

Picture??

Ako? May kasayaw na babae, eh si Ash lang naman ang......

Owwww Sh*t

"Listen okay, it's true na sumayaw ako kanina, pero it's just a dance. Walang ibang meaning yun Yana, please believe me" paliwanag ko sa kanya

"Walang meaning, kapatid mo mismo ang nag upload ng picture nyo tapos sasabihin mona walang meaning. Mukhang kilig na kilig pa nga ate mo eh"

Bigla akong nainis kay ate dahil sa ginawa nya, bakit kailangang iupload nya yun na hindi manlang sinasabi sakin.

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sobrang stress, nagpapatong patong na problema ko

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now