CHAPTER 10

224 22 11
                                    

CHAPTER 10

CHRIS POV

Patago akong pumunta sa maid's quarter para dalhan ng agahan sina Lola. Bawal kasi silang makita ni Lola Amor dahil masisira ang plano ni Ash.

Nagpapasalamat ako sa isip batang utak ni Ash kasi naisip nya na papuntahin sina Lola dito para sa Lola nya. Kahit napakakalat kumain at magaslaw ay may naiisip din naman pala na maganda.

"Mukha kang tanga na ngumingiti mag-isa" puna sa akin ni ate habang kumakain sila ni Lola

"Ah wala ate, masaya lang ako at nandito kayo ni Lola ngayon" paliwanag ko

"Pasalamat ka kay Ash at naisip nya to"

Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sa kanya ng maayos, kasi kahit naman para talaga sa Lola nya to ay masaya rin ako at nandito ang pamilya ko

"Napakabait ng batang iyon, hindi lang ganda ang namana nya sa kanyang ama, pati na rin ang busilak na pagkatao ni Mike ay nakuha nya" nakangiting sambit ni Lola

"Kilala nyo rin po ba ang mga magulang nya?" tanong naman ni Ate na patuloy na kumakain

"Hindi ko masyadong nasubaybayan si Mike ng makapag-asawa sya dahil lagi silang nasa ibang bansa para sa negosyo, pero nasubaybayan ko ang kanyang paglaki noong kabataan pa namin dahil lagi kaming magkasama ni Amor noon"

Kitang kita ang kinang sa mga mata ni Lola habang ikinukwento sa amin ang pangyayaring iyon, talagang malalim ang kanilang pinagsamahan ni Lola Amor

Matapos silang kumain ay nagpaalam muna ako para bumalik sa loob ng bahay kasi baka mahalata ni Lola Amor na wala ako doon

Napadaan ako sa may pool area kung saan gaganapin ang party ni Lola, andaming tao na kasalukuyang nag aayos, simple lang daw ang party na ito pero para sa amin na taga probinsya ay engrande na ito.

Pumasok na ako sa loob para sana makapag-ayos na rin kasi parating na ang mga magulang ni Ash at may dumarating rin na ibang mga kamag-anak nila, nakakahiya naman kung hindi ako mukhang presentable

Paakyat na ako ng hagdan ng Makita ko si Ash na kalalabas lang ng kanyang kwarto

Wow, as in WOW

She's wearing a white dress na off shoulder, simpleng damit pero bagay na bagay sa kanya. Napansin ko na naglagay din sya ng konting make-up. At isa lang ang masasabi ko, 'ang ganda nya'

"Hoy! Ano yan" bulong sakin ni kuya Leo na ikinagulat ko

"Ah wala kuya, paakyat na ako para makapag-ayos, nagsisidatingan na mga kamag-anak nyo nakakahiya naman kung ganito ang itsura ko" paliwanag ko

"Hindi naman yan ang tinutukoy ko eh" napapailing na tugon ni Kuya

Natigil ang usapan namin ng dumaan sa harap namin si Ash

"Bakit naman dyan kayong dalwa nag-uusap" natatawang sambit nito

"Kuya tara na naghihintay na sila" dugtong pa nito kaya naman dali daling nagpunta si kuya sa kwarto nya para magpalit

"Ikaw ba Chris, ayaw mo bang sumama?" tanong nito

"Hindi na siguro, hindi pa ako nakakapag-ayos eh" pagtanggi ko

"At mas mabuti na maiwan ako dito para masiguro na hindi makikita ni Lola Amor sina Lola" dagdag ko pa

"May point ka naman, sige ah punta na akong sasakyan pakisabi nalang kay Kuya na nandon na ako" paalam nya

Let Me Love You [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat