CHAPTER 22

170 14 1
                                    

ASH POV

Pinakiramdaman ko ang sarili ko bago ko imulat ang aking mga mata, mukhang nawala na ang lagnat ko na nagpahirap sa akin ng ilang araw

Mabuti na lamang at nandito si Lola Anita at Chris para alagaan ako, sigurado akong napagod sila sa pagbabantay at pag-aalaga sa akin

Iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin si Chris na nakaupo sa upuan at nakadantay sa kama ko habang natutulog, halatang pagod na pagod sya

Alam kong sinisisi pa rin nya ang sarili nya dahil sa nangyari sa akin, pero mas kasalanan ko yun dahil nagdesisyon ako na maghintay at manatili. Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko ipinasabi kina Loves ang nangyari dahil hindi naman kasalanan ni Chris lahat.

*flashback*

Gising ang diwa ko pero hindi ko magawang buksan ang aking mga mata dahil sumasakit ang ulo ko at sobrang sama ng pakiramdam ko

Ramdam ko ang pagdampi ng bimpo sa aking balat na syang nagbibigay sa akin ng konting ginhawa

"Ash, sorry talaga kung hindi ako nakarating agad, sana hindi ka mawalan ng tiwala sakin dahil doon. Hindi ko sinasadya na paghintayin ka ng ganon katagal. Ilang beses kana napahamak na ako ang kasama mo, pakiramdam ko tuloy ay sinasayang ko ang tiwala nyong lahat"

Hindi ako umimik at nagpanggap na tulog, hindi naman mawawala ang tiwala ko dahil sa mga bagay na hindi pwedeng pigilan

Noong una ay naaksidente ako dahil sa sarili kong kapabayaan, nagkataon lang na sya yung sinisi ni Kuya, at ngayon naman nagkasakit ako dahil sa sarili kong katangahan, alam kong madilim na ang kalangitan at malapit ng umulan pero hindi ako sumabay sa mga nag-alok sa akin na ihahatid nila ako

"Hindi na ako mangangako pero sana sa susunod ay maprotektahan na kita, dahil ayaw ko ng biguin sila ng paulit-ulit"

Hindi mo naman kailangang sundin lahat ng sinasabi nila dahil hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng ito kung napipilitan ka lang

"Sa mata nila ay mag-asawa tayo, at bilang asawa ay kailangan kitang protektahan at alagaan kaya gagampanan ko ang tungkulin na iyon hanggang sa makaisip ako ng paraan kung paano maaayos itong gulo na ginawa ko"

Sa mata ko ay asawa kita, pero alam ko na hindi ganon ang tingin mo sakin. Sana malaman mo na para sa akin ay hindi gulo ang kasal na ito, dahil mahal kita

*end of flashback*

Tumingin ako sa orasan

11AM na,

Hindi ko alam kung anong oras sya natulog pero kailangan na naming kumain o kaya naman ay umayos sya ng pwesto para makatulog sya ng maayos

"Chris, Chris gising na"

Tinapik tapik ko pa ang kanyang braso at mukhang madali naman syang nagising

Kinusot nya ang kanyang mata at gulat na napatingin sa akin

"Okay kana ba, wala na ba yung lagnat mo?" sunod sunod na tanong nya sa akin habang tinitingnan ang temperature ng noo ko, may pagka OA yung reaksyon nya dahil aligagang aligaga sya habang sinisigurado na wala na akong sakit

Narealize nya siguro yung reaksyon nya kaya agad syang dumistansya sa akin. "Sorry, sinisigurado ko lang" saad nya na medyo nahihiya pa

"Okay lang, salamat sa inyo ni Lola Anita dahil hindi kayo napagod na alagaan ako ng ilang araw" nginitian ko sya at nginitian nya rin ako pabalik

"Matutulog ka pa ba o sasabay kana sakin kumain, medyo late na rin kasi" tanong ko habang inaayos ang kama ko

"Sasabay nalang ako sa iyo kumain, may kailangan pa rin kasi akong tapusin na requirements"

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now