CHAPTER 35

190 15 3
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to @alakokabalolevilanz , THANK YOU SO MUCH!!!]

CHRIS POV

Halos paliparin ko ang motor na sinasakyan ko papuntang ospital, 

magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko sa sandaling ito,

Hindi kana pwedeng mawala sakin ulit, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yun

Pagkababang pagkababa ko ng sasakyan ay dumiretso agad ako sa room na tinext sa akin ni Alex,

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad sya na natutulog sa kama at nagpapahinga, 

Magsasalita na sana ako buti nalang at sinendyasan ako agad ni Alex na huwag maingay

Nilapitan ko sya, "Anong nangyari sa kanya"

Bakas pa rin ang pag aalala kay alex dahil halos libutin na nya ang buong silid kakalakad

"Kumalma ka nga" pinigilan ko na sya bago pa sya muling maglakad, pinaupo ko sya sa tabi ko

"Ano ba kasing nangyari" ulit ko sa tanong ko

"Kumakain kami sa canteen tapos halos hindi nya ginagalaw ang pagkain nya, then tinakot ko sya na dadalhin ko sya sa cliic pag hindi sya kumain, pero after a while bigla na lang syang nagtakip ng tenga at umiyak hanggang sa nawalan na sya ng malay"

Napatingin naman ako kay Ash, nilapitan ko sya at bawat hakbang na ginagawa ko ay parang dinudurog ang puso ko

Nawala na yung sigla nya, napaka putla ng labi nya, at halatang pagod ang katawan nya

Sa halip na ako ang maging karamay mo, isa pa ata ako sa nagdala ng problema sayo

"Anong sabi ni Khai"

"Wala syang sinabi tungkol sa kalagayan ni Ash, ang sabi lang nya ay hayaan lang daw muna natin sya na makapagpahinga, tawagin nalang daw sya kapag nagising na si Ash" paliwanag ni Alex

Umupo ako sa tabi ng kama ni Ash at hinawakan ang kanyang kamay

Ramdam ko ang panlalamig nito kaya agad kong ikilulong sa mga palad ko para painitin

Im sorry, sorry dahil wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako

Hindi ko alam kung ano bang pinagdadaanan ni Ash, ngayon ko lang narealize na wala akong masyadong alam tungkol sa kanya, sya na laging nandyan sa tabi ko at iniintindi lahat ng pagkakamali ko

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napahamak ka na naman ng dahil sa akin, hindi ko alam kung nagkaganito ba sya dahil sa pakikitungo ko, pero sa ngayon ang gusto ko lang ay gumaling sya. Para naman makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko

May ilang oras na akong nagbabantay sa kanya, nag paalam din si Alex na lalabas muna para bumili ng pagkain

Nakatungo lang ako habang hawak hawak ang kamay nya, bumabalik sa ala ala ko lahat ng katarantaduhan na ginawa ko sa kanya

"C-chris"

Agad akong napalingon sa kanya, kitang kita ko kung gaano kapanglaw ang mga mata nya

"Ayos kana ba? May masakit pa ba sayo, Gusto mo tawagin ko si Khai" sunod-sunod na tanong ko sa kanya, dala na rin siguro ng pag-aalala

Ngumiti lang sya sa akin at sinenyasan ako na alalayan syang umupo

"Okay na ako, Sana" bakas ang panghihina sa boses nya

Hindi ako sanay na nakikita syang ganito, na walang sigla

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now