CHAPTER 45

171 13 3
                                    

ASH POV 

Sa buong maghapon ay walang nagtangka na kausapin ako, siguro ay napagtanto nila na kailangan ko ngayong mapag-isa

Sobrang dami kong  nalaman kagabi,

Nagkita na pala sila dati ni Azy, and worst inakala pa nya na ako yun

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na kwestyunin ang nararamdaman nya sa akin, hindi nya ako masisisi dahil lumalabas na isa yun sa dahilan kung bakit sya tuluyang nahulog sa akin,

Dahil sa pag-aakalang ako ang kapatid ko

Buong magdamag na halos hindi ako makatulog, pilit kong iniintindi ang lahat. Sinusubukan kong intindihin ang mga dahilan nila, at tinatanong ko ang sarili ko kung ganon din ba ang gagawin ko kung sakaling ako ang nasa katayuan nila

Akala ko magiging memorable ang paskong ito dahil nandito kaming lahat, yun pala ay hindi ko ito malilimutan dahil sa ibang dahilan

Ngayon gabi na naman, kita ko si Kuya na nakabantay sa akin mula sa malayo, natatakot siguro sya na baka bigla na lang akong magpakalunod sa dagat

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin na peke lang yung kasal, na hindi yun totoo at kapatid ko pa mismo ang gumawa non

Kaya pala bigla syang pumayag, kaya pala biglang okay na sa kanya na ikasal ako dahil may plano pala syang iba

Dapat ko ba syang pasalamatan because he saved me from the greatest mistake of my life

o

Dapat akong magalit sa kanya because he doesn't let me decide on my own

Diba dapat hindi ko iniisip kung anong mararamdaman ko, pero kasi namamanhid na ako. Sobra na ang nasasaktan at umabot na sa punto na parang naglalangib na ang mga sugat sa puso ko

Mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan ay binuhay ako sa kasinungalingan ng sarili kong pamilya. 

Maaaring nagalit ako dahil sa lahat ng nangyari pero humupa rin kaagad ang galit na yun, gustuhin ko man ay hindi ko magawang magtanim ng galit sa mga taong mahal ko 

Malalim na ang gabi, at ang nagsisilbing tanglaw ko ay ang ilaw ng buwan, napakaganda nito at tila ba hindi napapagod sa pagbibigay ng liwanang sa lahat

Hanggang hindi napapagod ang buwan sa pagiging tanglaw ko sa gabi ay hindi rin ako mapapagod na magpatawad

Kaya ako nandito ay hinihintay ko si Chris, gusto ko syang makausap. Nasaktan ako pero ayaw kong mabuhay a puno ng what if

Ayaw kong umalis sa lugar na ito na hindi ko sya nakakausap, gusto kong maging malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa

Patuloy kong pinagmamasdan ang magandang tanawin na nasa harapan ko habang dinadamdam ang pagtama ng malamig na hangin sa balat ko

"Ash" napalingon ako sa pagdating nya, marahan syang naupo sa tabi ko at muling nanahimik

Buong araw kong inihanda ang sarili ko para sa paghaharap namin, pero bakit ngayon na nasa harap ko na sya ay parang bigla akong naging hindi handa

"Alam mo ba noong malaman ko ang tungkol sa kwintas na yun kagabi, at yung tungkol sa nakaraan nyo ng kapatid ko, aaminin ko na nagduda ako sa nararamdaman mo para sakin"

Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak, pero hindi pa pala sapat ang luha na naiiyak ko sa buong magdamag at maghapon

Akala ko sa sobrang dami non ay wala na akong maiiiyak, pero nagkamali ako dahil patuloy pa rin silang lumalabas

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now