CHAPTER 2

401 43 23
                                    

Kasalukuyan kaming nasa byahe papuntang CU, di naman kalayuan tong subdivision namin sa school kaya mga 15 minutes siguro nandon na kami.

Nakalabas na kami ng gate ng subdivision namin pero di man lang sya umiimik, ang boring naman kung ganto lang kami hanggang makarating sa school diba, and besides kung samin sya titira mas okay na kahit pano ay maging okay din kami sa isa't isa

"Ahhmmm Christopher right?" pag-uumpisa ko ng usapan

"Yeah, napakingan mo naman siguro kanina noong pinakilala ako sayo ng Lola mo

ay wow taray ng mokong, pilosopo

"Ahmm hehehe, oo pakinig ko" pilit ang ngiti kong tugon sa kanya "Bakit nga pala kasama mo si Loves kanina?" dagdag ko pa

"Loves?" takang tanong nya

"Loves, si Lola Amor, pakinig mo naman siguro kanina na tinawag ko syang loves diba" di ko mapigilan na mapangiti ng panalihim

Ano ka ngayon, pilosopo pala ah

" Magtatanong ba ako kung alam ko?" with matching taas pa ng isang kilay

aba't mokong talaga to, kung di lang bestfriend ni Loves ang Lola nito, bibigwasan ko talaga to

pinigilan ko ang inis ko at huminga ng malalim

"So pano ka nga napunta sa bahay namin kanina" tanong ko ulit

Umakto pa sya na mistulang nag-iisip at inilagay ang  kamay sa kanyang baba

"So ganito yun, lumabas ako ng gate ng bahay namin, sumakay ako sa tricycle papuntang pier, tapos sumakay ako sa barko, pagkababa ko pumunta ako sa sakayan ng bus papunta dito, bumaba ako sa may kanto tapos sumakay ako ng jeep,  tumulog ako sa bahay nung kakilala ko, tapos kaninang umaga sumakay ulit ako ng jeep,  bumaba ako sa harap ng subdivision nyo, and naglakad ako papunta sa bahay nyo, oh ayos na ba yon?" bakas ang pang iinis na boses nya

pumikit ako at huminga ng malalim para pigilan ang inis na unti unting namumuo sa loob loob ko

"wow ah detalyadong detalyado. Bakit ka naman nag punta sa bahay namin?" mataray kong tanong sa kanya

Isa pang pabalang na sagot neto sakin,makakatikim talaga to

"Pumunta ako sa bahay nyo dahil may ibinilin sakin si Lola Maria na ibigay sa Lola Amor mo. Importante raw yon kaya kailangan ko maibigay kaagad"  seryosong sabi nya

Maalam naman palang magseryoso,pinapainit pa ang ulo ko

"Ano yung ipinadala ng Lola mo sa Lola ko? Na kinailangan mo pa talagang mag punta sa amin ng ganon kaaga"  nagtatakang tanong ko

" Isang sulat na medyo luma na,  At para sa kaalaman mo hindi ako nagpunta sa inyo ng sobrang aga. Late ka lang talagang gumising" nang-aasar na tugon nya at seryosong tumingin sa bintana

Sulat?? Bakit sumulat pa eh pwede namang tumawag o kaya sa facebook

Ano naman kaya ang laman ng sulat na iyon

Abala ako sa pag-iisip kaya hindi ko namalayan na nandito na pala kami.

Bumaba ako ng sasakyan at ganon din si Chris

"Salamat kuya, di mo na po ako kailangan sunduin mamaya dahil kay Alex po ako sasabay pag-uwi" paliwanag ko kay Kuya Jun na driver namin

"Sige Hija, sasabihin nalang namin sa Lola mo, mag iingat ka" Bilin ni Kuya at pinaandar na nya papaalis ang sasakyan

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now