CHAPTER 40

212 14 0
                                    

ASH POV

Nagising ako dahil sa pagtama ng araw sa mukha ko, babangon na sana ako pero hindi ko magawa dahil nakayakap sa akin si Chris

Hindi ko na pinilit pa ang sarili ko na bumangon, itinuon ko sa kanya ang atensyon ko

Salamat at dumating ka sa buhay ko

Kahit ilang beses na akong nasaktan at umasa sayo, masaya pa rin ako

Hinding hindi ko makakalimutan kung paanong pinagaan nya ang loob ko kagabi, na para bang kilalang kilala na nya ako at alam na nya kung paano ihandle ang sumpong ko.

"Wag mo naman akong pakatitigan, baka matunaw

Nagulat ako ng magsalita sya pero nanatiling nakapikit ang mga mata nya

Ramdam ba nya na nakatitig ako?

"Hindi kaya kita tinititigan" pagtanggi ko at tumalikod ako sa kanya 

"Hahaha guilty ka?" ramdam ko ang pagyakap nya sakin mula sa likod, ikinulong nya ako sa mga bisig nya na para bang ayaw nya akong pakawalan

Ipinararamdam ng yakap nya na ayaw nya akong bitawan, pero hindi ito sobrang higpit at nakakasakal.

"Sabing hindi kita tinititigan, ang kulit neto

"Sige kunwari naniwala ako" tumatawang saad nya at ibinaon ang mukha nya sa buhok ko

"Napaka bully mo!" biro ko at siniko sya sa tagiliran

"Aray!

Bigla syang napabitaw sa pagkakayakap sa akin at namilipit sa sakit, agad naman akong napabangon

"Hoy, napalakas ba?" tanong ko pero hindi sya umimik nanatili lang syang namimilipit sa sakit "Hindi ko naman sinasadya eh"

Natataranta na ako, biro lang dapat yun pero mukhang nasaktan talaga sya

Lumapit ako para tingnan yung parte na nasiko ko

"Patingin nga asan ba.....hummmpppp"

Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap, nakaibabaw ako sa kanya at diretsong nakatingin kami sa isa't isa

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, at parang nararamdaman ko rin ang tibok ng puso nya

Parang hinihila ako papalapit ng mga mata nya, kusang lumalapit ang mukha ko sa mukha nya at ganon din sya sakin 

Ramdam ko sa pagkakahawak nya sa akin na mahalaga ako dahil sa napakabanayad ng pagkakayakap nya sa akin, pakiramdam ko tuloy para akong isang babasagin na ayaw nyang magasgasan man lang

Para kaming hiniihigop ng tingin ng isa't isa, wala ng 1 inch ang espasyo na naghihiwalay sa amin, konti na lang at maglalapat na ang labi naming dalawa

*toktoktoktoktoktok* [a/n: churi sa tunog]

Bigla kaming napaayos ng tayo dahil biglang may kumatok

"Ma'am, Sir, gising na po ba kayo?" magalang na tanong sa amin ng tauhan ni Loves

"Yes, why?"

"Ipinapatawag na po kayo sa baba, breakfast is ready"

"Sige, thank you"

Medyo awkward kaming napatingin ni Chris sa isa't isa, pero idinaan na lang namin sa tawa

Nag-ayos na kami at bumaba, naabutan namin silang lahat na nakaupo sa may dining area sa lobby ng hotel, kumpleto na sila at kami na lang dalawa ang hinihintay

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now