CHAPTER 15

192 17 5
                                    

[A/N: Dedicated po ito sa asawa ko na gumawa ng cover, thank you myloves <3. 

ASH POV

Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung ano ang trip ni Chris, gusto nya na magpanggap kami sa harap nina Lola. Naiintindihan ko naman sya sa part na gusto nya rin mapasaya sina Lola, pero di ko magets kung bakit kailangan pang magpanggap, kung pwede naman na unti unti ay sanayin na namin yung sarili namin dahil sa huli ay ikakasal na rin naman kami.

Ayaw na nina Lola na patagalin pa bago kami ikasal, kaya mayroon na lamang kaming isang buwan para maghanda.

Hindi na raw kasi sila bumabata, kaya habang malakas pa sila at medyo nakakarecover na rin si Lola Maria ay dapat lang daw na ikasal na kami.

"Sa tingin mo apo, maganda kaya ang bulaklak na ito para sa desenyo sa reception?" tanong sakin ni loves habang ipinapakita ang picture ng baby's breath

Binasa ko ang description sa baba

"A symbol of pureness and innocence, sige Loves we can also add that sa flower crown ng mga little brides at flower girls

Hands on na hands on ako sa paghahanda, isang beses lang naman ako ikakasal sa buong buhay ko kaya gusto ko sana na maging maayos kahit na alam ko na hindi naman ako mahal ng lalaking papakasalan ko

Ngayong lunch ay imemeet namin ang pari na magkakasal sa amin, kasama namin ni Chris sina Lola. Hindi kasi Church Wedding yung sa amin para hindi na rin mag cause ng sobrang attention kasi medyo high profile si Loves. Para syang destination wedding kasi sa private resort ni Tito Nathan sa Tagaytay ang Venue, doon na kami ikakasal and doon na rin ang reception. 

Medyo minadali na rin namin kasi parehas kaming graduating ni Chris, hindi kami pwedeng mawala ng matagal sa school, kaya yung honeymoon ay after nalang daw ng graduation,parang graduation gift na rin sa amin ni Loves.

"Let's go po, nakakahiya naman kung mauuna pa si father sa venue" aya sa amin ni Chris na kabababa lang mula sa kwarto nya

Mukha namang kumportable na sya sa pamilya ko

Nagready na kami papunta sa restaurant kung saan namin kikitain ang pari

Sina Loves ay sa kotse sumakay at nauna na samin habang ako naman ay aangkas sa motor na dala ni Chris, kay kuya to na motor kaya lang hindi na nya ginagamit dahil bumili na sya ng bago kaya ipinagamit nalag muna kay Chris

"Sure ka ba na maalam ka mag drive nyan?" kinakabahan kong tanong

Takte Perstaym ko to 

"Oo naman, wala ka bang tiwala sakin, syembre di naman kita ibabangga, baka ako ang sunod na ipalibing ng kuya mo pag may nangyari sayo

Loko rin talaga tong isang to

Sumakay na sya sa motor at iniabot sa akin ang helmet, pano ko ba to isusuot

Inilagay ko sa ulo ko yung helmet pero hindi ko alam kung paano ilolock, alangan naman na di ko na ilock, baka tumalsik to kapag nasa byahe na kami

Nakakahiya naman to ang tanda ko na pero helmet lang hindi ko pa alam isuot, pano ba kasi to. 

"Ano ba yan Ash, pati ba naman pagsusuot ng helmet hindi ka maalam, para ka talagang bata" tumatawang saad ni Chris

"Ay sorry naman ho ano, hindi po kasi ako sumasakay sa motor kaya hindi po ako gumagamit ng helmet

Nakakaasar naman kasi, sa halip na tulungan ako ay inasar pa ako

"Lumapit ka nga dito at aayusin ko" utos nya sa akin

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now