CHAPTER 17

191 19 0
                                    

ASH POV

"Ash kumusta, bakit nga pala di kita nakikita sa mga klase natin" tanong sakin ng batchmate ko

"Nag-oonline classes muna kasi ako, may personal na bagay lang akong inaasikaso" paliwanag ko 

"Sige una na ako, iniintay na ako ng friends ko, see you again" paalam nya at pumunta na sa kabilang table

Kasalukuyan akong nasa canteen ng CU kasi iniintay ko si Alex na lumabas mula sa klase nya, gusto ko kasi na personal kong ibigay sa kanya ang invitation para sa kasal namin ni Chris. Matagal na rin ang pinagsamahan namin ni Alex kaya gusto ko nandun sya sa araw na yun

"Bess Sorry ngayon lang suki kasi ng overtime yung prof ko" bumeso sya sa akin at naupo sa harapan ko

"Umorder na ako ng pagkain kaya lang baka medyo malamig na

"Naku okay lang yan bess, gutom na gutom na ako keri na to

Di ko mapigilan na matawa dahil mukhang gutom na gutom nga ang bestfriend ko, para syang hindi nakakain ng ilang araw

"Hoy bess anong itinatawa-tawa mo dyan, wag kang tumawa lang , aba magkwento ka. Hindi lang tyan ko ang gutom pati tenga ko gutom din"

"Ano namang ikwekwento ko sayo?"

"Wag kang pa inosente dyan, malakas ang sagap ko, nakasalubong ko si Doc Pogi kahapon sabi na sprain daw ang paa mo" saad nya habang dinuduro ako ng tinidor

"May alam kana pala bakit tinatanong mo pa ako"  tinaasan ko sya ng kilay

Ayaw kong magkwento, hindi dahil wala akong tiwala sa kanya.

Ayaw kong magkwento dahil hindi ko alam kung anong ikwekwento ko, hindi ko alam kung saan ko sisimulan dahil wala akong maisasagot sa mga bakit nitong bestfriend ko, dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam ang sagot

"Aba antagal mong nawala tapos yun lang, magkwento ka naman, hindi ka nga pumapasok eh, tapos wala manlang akong alam. Konting kwento naman dyan

Hindi talaga ako titigilan nito hanggang wala syang nakukuhang kwento. 

"Oh Eto" iniabot ko sa kanya ang envelope na naglalaman ng wedding invitation

"Ay taray bess, ikakasal na ba yung kuya mo? Shockss naman.... sino naman kaya ang swerteng babaita" saad nya habang binubuksan ang envelope

"Bess hindi si kuya ang ikakasal"

Napatingin sya sakin na parang naguguluhan, kitang kita ko kung paanong kumunot ang noo nya

"Eh kung hindi ang kapatid mo ay sino, hindi naman ako close sa ibang relatives mo para bigyan nila ako invitation

Minadali nya ang pagbubukas ng invitation, biglang lumaki ang singkit nyang mata ng makita ang pangalan na nakalagay sa unahang bahagi nito

"Chris and Ash Wedding? Pinaglololoko mo ba ako uhhummm uhmmm"

Agad ko naman syang inabutan ng tubig, bigla kasi syang nagsalita habang may laman ang bibig nya kaya ayan nabulunan sya

"Dahan dahan lang kasi bess"

Pilit nyang nilunok ang kinakain nya at uminom ng tubig

"Sino ba naman kasing hindi mabibigla bess, almost one month na kitang di nakita, akala ko nga galit ka sakin dahil bigla kitang iniwan sa mall tapos magpapakita ka sakin ngayon na may dalang wedding invitation para sa sarili mong kasal"

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now