CHAPTER 13

216 19 5
                                    

CHRIS POV

Nasa room na si Lola at  sabi ng doktor ay mga ilang araw lang daw ay makakalabas na rin sya dahil hindi naman daw ganon kalaki yung namuong dugo sa ulo nya 

"Apo, gusto ko ng umuwi, ayaw ko na dito

di ko na mabilang kung ilang beses ng sinabi ni Lola ang mga katagang yan

"Lola, hindi pa po tayo pwedeng umuwi, kailangan nyo pa po na magpagaling ng ayos" muling paliwanag ko sa kanya

Ilang minuto na rin kaming nagtatalo ni Lola tungkol dito, hindi kasi nya matagalan na nasa ospital sya dahil pakiramdam daw nya ay lalo syang nanghihina

"Lola, kumusta po kayo?" napalingon kami parehas ni Lola kay Ash na kapapasok lang

"Mabuti naman Hija, halika rito. Chris bigyan mo naman ng mauupuan ang mapapangasawa mo"

"Dito kana umupo Ash, kukuha nalang ako ng isa pang upuan sa labas" ibinigay ko sa kanya yung upuan ko at nagpaalam para lumabas

Naiwan silang dalawa sa loob na masayang nagkwekwentuhan

Paano ko sasabihin kay Lola na hindi ko magpapaksal kay Ash kung ganon na agad ang iniisip nya?

Paano ko ipaaalam sa kanya na iba na ang mahal ko kung ganon sya kasaya pag si Ash na ang usapan?

Ayaw ko na ako ang maging dahilan para mastress si Lola

Ayaw ko na maging malungkot sya dahil sa desisyon ko.  Ilang beses na akong hindi pinatulog ng problemang ito.

Madali lang sana kasi pwede ko naman sabihin agad na may iba akong mahal pero sobrang pressure yung nararamdaman ko dahil gustong gusto ni Lola si Ash at malulungkot sya kapag sinira ko ang pangako ni Lolo sa kaibigan nya

"Hoy, Chris! kanina ka pang nakatayo dyan, tinatanong ka ng janitor kung ano daw kailangan mo"

Natiligil ako sa pag-iisip dahil sa pagdating ni Ate.

"Ah eh pwede po ba makahingi ng extra chairs para sa room 2020

"Sige sir, dadalhin ko na lang po doon"

Umalis na ang janitor para kumuha ng upuan

"Ano ka ba naman Chris, hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakakapagdesisyon. Nakakuha na ako ng gamit ni Lola nasa room na nya at kausap nya ngayon si Ash

Napabuntong hininga ako, ilang araw na pero hindi pa rin ako nakakapagdesisyon

"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ate, hindi ko alam"

Hinila ako ni Ate paupo sa bench

"Mahirap sabihin yan kay Lola ngayon, pero mahirap din kapag pinatagal mo" panimula nya

"Ate alam ko un eh, alam ko na mahirap. Ang kailangan ko ay solusyon"

"Patapusin mo muna kasi ako" bulyaw sa akin ni ate

"Pwede mo naman pagbigyan si Lola eh, pwede nyong ipakita ni Ash sa kanila na okay kayo at sinusubukan nyong mag work as a married couple. Then maybe after a year ay maghiwalay kayo legally kasi di nag work"

"Ate hindi kayang lokohin si Lola, at paano naman si Yana kung pakakasalan ko si Ash"

"Sige mamili ka, yung sasabihin mo kay Lola na ayaw mo,malulungkot sya at magalit sayo o yung sundin mo ang gusto nya. At yung kay Yana naman, hindi naman nya kailangan malaman na ikinasal ka"

Let Me Love You [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن