CHAPTER 23

175 14 0
                                    

ASH POV

Friday na ngayon at masaya ako kasi natapos ko na lahat ng requirements ko kagabi, buti nalang at tinulungan ko ni Alex, hindi nya ako pinatulog hanggang hindi ko natatapos lahat ng kailangan kong tapusin

Hindi nya ako masyadong tinulungan sa paggagawa kasi sabi nya, project ko raw yun kaya dapat lang na ako ang gumawa at tumapos para kapag nareceive ko yung grade ko ay maging proud ako sa sarili ko

Actually, may point naman sya eh. And hindi naman nya ako iniwan hanggang sa matapos ko. And kung ano man yung chicka ni Alex sakin kagabi, ayaw ko ng isipin pa, ayaw kong mawala ang focus ko sa finals

After ko ihatid si Alex sa may gate ay bumalik na ako sa loob para ipagpatuloy ang pagkain ko, nnabutan ko si Chris na kakasimula pa lang kumain at katulad ko nanununtok din ang eye bags nito

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

"Hmmm, I need to be okay, andami ko pa rin kailangan tapusin?

Halata naman na marami pa syang kailangang tapusin kasi mukha pa rin syang stressed hanggang ngayon

"Want some help?"

Agad naman syang napaangat ng tingin dahil sa sinabi ko, halata na nag aalinlangan pa sya sa kung ano ang itutugon nya sa tulong na iniaalok ko

"Tapos kana ba sa mga gawain mo?" paninigurado nya

"Yes tapos na ako and I'm willing to help you" nakangiting saad ko

Parang bigla namang umaliwalas ang mukha nya dahil sa sinabi ko

After namin kumain ay umakyat na kami, dumaan muna ako sa kwarto nya para kunin yung isa nyang project sa Bio, natake ko na ang subject na to dati 

Iniabot nya sakin yung dalwang coupon bond ng information na nakuha nya sa net, halatang wala pa syang gaanong nasisimulan, nakalagay din dito ang topic ng paper na gagawin at mukhang mahaba talaga ang content nito

"Si Sir Catacutan ba ang prof mo dito?"

Halatang nagulat naman sya sa tanong ko, sabagay baka natatakot sya kay Sir

"Ah eh Oo eh, Si Sir nga

"Don't Worry alam ko yung mga gusto ni Sir sa ganito" Sumilip ako sa loob ng kwarto nya at talagang madami pa syang kailangang gawin "Sige ako na ang bahala dito" 

Pasasalamat ko na rin to para sa pag-aalaga mo sakin, and besides sumumpa ako na palagi kitang sasamahan kaya I am more than willing to help you

"Sige Ash Salamat talaga"

Bumalik na ako sa kwarto ko para simulan ang project ni Chris, kung tutuusin ay madali lang naman sya kaya lang napakahaba talaga ng kailangan

Isang oras na ang nakakaraan at sumasakit na rin ang mata ko dahil sa ilaw na nagmumula sa screen, siguro kaya madaling sumakit ang mata ko ay dahil na rin sa wala pa akong mahabang tulog simula kahapon

After 30 minutes na pahinga ay nagsimula na ulit akong gumawa kailangan ko tong matapos kaagad para makapag review na ako

Itinuon ko ang buong oras at atensyon ko sa paggagawa, walang mapapakinggan na kahit anong ingay mula sa kwarto ko maliban na lang sa tunog ng keyboard ng laptop ko. Sa loob ng ilang oras ay nakatingin lang ako sa screen kahit na nagsisimula na ulit humapdi ang mata ko

Ayaw kong biguin si Chris, ako ang nag-alok ng tulong ng tulong kay tatapusin ko to kahit na anong mangyari

Napatigil ako sa paggawa ng mapansin na nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan, napatingin ako sa orasan 

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now