CHAPTER 49

184 15 2
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay sa kwarto na kaagad ako dumiretso, umupo ako sa study table at binuhay ang laptop na nandon

Hindi ko alam kung ano ang laman nito, ang tangging alam ko lang ay kailangan ko na itong mapanuod ngayon

+opening windows+

Pagkabukas ay inilagay ko na kaagad ang hard drive,

+New device has been detected+

+Opening drive+

+[TO ASHLEY]+

-Day1

-Day2

-Day3

-Day4

-Day5

-Day6

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

-Day887

Halos mapanganga ako dahil sa sobrang daming video ang nandon, hindi ko pa man nabubuksan kung ano ang laman non ay parang gusto na agad lumabas ng mga luha ko

Agad kong binuksan ang unang video na nandoon  at bumungad sa akin ang mukha nya na halatang nagpipigil sa pag iyak

[Day1

Hi Ash! It's day 1 na malaman ko na umalis ka pala, andito pa nga ako sa bahay nyo oh,

Akala ko kasi yung distansya na hinihingi mo ay hanggang Maynila lang, hindi ko naman alam na aabot hanggang Thailand

nandito ako ngayon sa inyo dahil handa na sana akong ibigay ang sagot sa tanong mo, nakapag isip na ako at sigurado na ako sa nararamdaman ko

Ash mahal kita, Mahal na mahal kita

Pero kung yan ang desisyon mo, susuportahan kita. Nandito lang ako, maghihintay sa pagbabalik mo kahit gaano pa yun katagal]


Halos madurog ang puso ko sa bawat pagpatak ng luha nya, ramdam ko sa bawat salita na binibitiwan nya kung gaano kasakit ang pag-alis ko

Kita pa sa background ng video nya ang bahay namin, 

Kung hindi kaya ako umalis noon, ano kayang mangyayari sa relasyon naming dalawa?

Pero hindi na ito ang oras para sa mga what if, dahil ang nangyari ay nangyari na at naniniwala ako na may dahilan kung bakit nangyari yun

Pinanood ko pa ang mga sumunod na video, at sobrang naaantig ang damdamin ko na araw-araw nyang kinukunan ang sarili nya para iupdate ako, 

Siguro ay gusto nyang isend sa akin ang mag video na ito pero sinadya ko na ideactivate muna pansamantala ang mga social media accounts ko


[Day15

Dalawang linggo na ang nakakalipas, miss na miss na kita

Kahit saan ako tumingin ay ikaw ang naaalala ko

Lalo na kapag tumitingin ako sa bintana, naaalala ko kung paano tayo dumungaw ng sabay habang dinadama ang malakas na hangin

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now