CHAPTER 6

251 26 10
                                    

ASH POV

KKKKRRRRRRIIIINNNNGGGGGGGG KRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGGGG

Mumukat mukat kong iminulat ang aking mata, hindi pa nga ako nakakatulog ng maayos tapos umaga na agad

Magdamag ko kasing inisip kung anong pwedeng gawing sorpresa para kay Lola. Gusto ko yung sorpresa na palagi nyang maaalala. I want to make her birthday extra special this year. Ewan ko, naisip ko lang kasi na ngayon lang sya mag bibirthday dito sa bahay namin so gusto ko memorable. 

Bumangon na ako at naghilamos, sinuklay ko ang aking buhok at itinali. Hindi na muna ako naligo kasi ala una pa naman ang klase ko.

Pagkatapos kong mag- ayos ay bumaba na ako para mag almusal. Naabutan ko si Lola at si Kuya na kumakain

"Goodmorning Loves, Goodmorning kuya" bati ko sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi ni Lola

"Ako ba walang kiss?" nakataas ang kilay na tanong ni kuya

Kung naghahanap ka ng taong paiba-iba ng mood, si kuya yun. May oras na para syang bata, may oras na parang tropa lang kami, pero most of the time ay SERYOSO sya. Lalo na when it comes to safety and family matters

Nakangiti akong lumapit sa kanya

"Ikaw naman kuya,tampo ka agad" Humalik ako sa pisngi nya

Ramdam ko na ngumiti si Kuya dahil sa ginawa ko pero nagulat ako ng biglang mapawi kaagad ang ngiti nya

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at napansin ko na seryoso syang nakatingin sa may hagdan

Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko na nakatingin sya kay Chris na pababa pa lang ng hagdan

Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng CU, white long sleeves na may burda ng four leaf clover sa may left part, bumagay din sa kanya ang black neck tie na may pin ng CU na nakaclip sa dulong part ng tie. Black pants na sakto lang ang fit sa kanya. Yung buhok nya ay nakaayos at halatang bagong ligo. Ang gwa----

"San ka pupunta?" agad kong binawi ang pagtitig ko kay Chris dahil sa pagkabigla sa tanong ni kuya

Seryoso na naman sya, dahan dahan akong nagtungo sa upuan ko habang si Chris naman ay napatingin kay kuya 

"Magandang umaga po, papasok na po ako" magalang na pagbati ni Chris at akmang lalabas na ng bahay

"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na umalis sa bahay na ito ng hindi sumasabay sa amin sa agahan" Lalong naging seryoso ang boses ni kuya

Natigilan naman si Chris, Bakas sa mukha nya ang pag aalinlangan at tila hindi nya alam ang gagawin

"Chris kumain kana muna bago pumasok, wag kang mag alala hindi ka naman malalate, ihahatid ka ni Kuya Jun" Masiglang sabi ko kahit nababalot ng tensyon ang buong paligid dahil sa seryosong aura ni Kuya

"Oo nga hijo, halika at sabayan mo na kami, wag kang mahiya parte ka na rin ng pamilya" Malambing na wika ni Lola

Buti pa si Lola sanay na ata sa ganitong ugali ni Kuya, pero ako eto kinakabahan pa rin tuwing nagiging seryoso sya

Lumapit si Chris sa dining table at umupo

 "Salamat po, at pasensya na" bakas ang kaba sa pagsasalita ni Chris

"Sige hijo kain na ahahahah" pilit pinagagaan ni Lola ang mood 

Kita ko naman na kumuha na ng pagkain si Chris kaya kumuha na rin ako

Susubo na sana sya ng biglang magsalita si kuya

"Sa susunod kung gusto mo talagang manatili sa bahay na ito ay dapat matuto kang makisama, pumayag kami na dito ka tumira kaya ituturing ka namin na parte ng pamilya kaya sana ganon din ang isipin mo. Ituring mo rin kami bilang pangalawa mong pamilya habang nandito ka." Seryosong saad ni kuya habang nakatingin kay Chris

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now