CHAPTER 46

179 12 0
                                    

CHRIS POV

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko, after 2 weeks ay ngayon lang ulit kami magkikita ni Ash

Pinag-isipan kong mabuti kung ano ba ang nararamdaman ko, at ngayon na alam ko na ang sagot ay ako na mismo ang pupunta sa kanya

Kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado sa magiging reaction nya, hindi ko alam kung handa na ba sya na makita ako ulit, wala akong ideya kung sapat na ba yung space na ibinigay namin sa isa't isa o masyado pang maaga ang pagpunta ko ngayon

Itinigil ko ang paglalakad sa harap ng bahay nila

Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko, kasabay ng butil butil na pawis na nagmumula sa noo ko

Kaya mo yan Chris, panahon na para harapin mo sya

Nagdoorbell na ako at hinihintay ko nalang na may magbukas mula sa loob 

"Sandali" dinig kong saad ni Lola Anita na mukhang kalalabas pa lang sa bahay

Pagbukas nya ng pinto ay agad naman syang nagulat ng makita ako

"Chris hijo, anong ginagawa mo rito. halika pasok ka sa loob"

Hinila na ako ni lola papunta sa loob at pinaupo sa living room habang sya ay nagdiretso muna sa kusina

pagbalik nya ay may dala na syang juice at sliced cake

"Naku Lola hindi na po sana kayo nag-abala" saad ko habang umuupo sya sa tabi ko

"Maliit na bagay lamang iyan hijo, kumusta kana. Hindi na tayo nakapag-usap simula noong nangyari" bakas ang pag-aalala sa boses nya

Uminom muna ako ng juice bago muling nagsalita "Maayos naman po ako, at malinaw na po sa akin ang lahat. Si Ash po ba nandito?"

Napatighim naman sya bigla

"Lola okay lang po ba kayo?" agad ko syang ipinagtakal ng juice at pinainom

Agad din naman syang nahimasmasan

"Okay na apo salamat, buti naman at nakapag-isip ka na" pansin ko na bigla syang hindi naging kumportable

Bigla akong kinabahan sa ikinilos nya "Lola nasa taas po ba si Ash, may kailangan po kasi akong sabihin sa kanya" ulit ko sa tanong ko

Agad syang nag-iwas ng tingin at nagpunta sa kusina "Kumain kana ba hijo, dito ka na mananghalian, sabayan mo ako

Nakakapagtaka na para bang pilit nyang iniiwasan ang tanong ko, 

May hindi ba sya sinasabi sa akin?

"Lola si Ash po nasan?" muli kong tanong ng makalapit ako sa kanya sa dining table

"Kumain ka na muna at sigurado akong napagod ka sa byahe" Agad naman nyang nilagyan ng kanin ang plato ko kaya hindi na ako nakatanggi

Tahimik kaming kumain, hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya magawang sagutin ang tanong ko

Bakit parang nahihirapan syang sabihin sa akin kung nasaan si Ash

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa living room

"Chris, alam ko na si Ash ang sadya mo rito, pero wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko" sinserong saad niya

Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ko, 

"Wala na kasi dito si Ash, ilang araw lang mula ng makauwi kami dito ay sumama sya sa kuya nya. Maging si Amor ay nabigla sa desisyon nya

Let Me Love You [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz