CHAPTER 43

171 14 0
                                    

ASH POV

*TIKTILAOK......TIKTILAOK.....TIKTILAOK......TIKTILAOK.....*

Napamulat ang mata ko dahil sa kaliwa't kanang ingay mula sa tandang nina Lola at pati na rin yung sa kapitbahay, mukhang mas effective na alarm to kaysa sa alam ko sa bahay

Pagmulat ng mata ko ay mukha kaagad ni Chris ang bumungad sa akin, nakangiti sya at mukhang enjoy na enjoy sa pagtitig sa akin

Agad naman akong tumalikod sa kanya at humikab, ang epic naman kasi kung sa harap nya ko gagawin yun, nakakahiya ang baho pa ng hininga ko

"Akala ko ay kulang pa lahat ng tandang dito para magising ka eh" biro nya sa akin

Ilang linggo na rin kami dito at nasasanay na rin ako sa araw-araw, sa tilaok lang talaga hindi dahil sa malalim talaga akong matulog

Malaki ang naitulong sa akin ng pagbisita ko kay Azy, naglakad ako papasok ng napakabigat ng bawat hakbang ko pero noong papalabas na ako ay para akong nakalutang sa ere sa sobrang gaan nito.

Masaya ako na sabay na naming pinasaya ang isa't isa at mas ikinatuwa ko na naramdaman ko ang presensya nya noong araw na yun.

"Tara na baba na tayo, sabi noong naghahandle sa atin ay ngayon daw natin makikilala yung pinakahead ng research department dito, kababalik lang nya galing Australia dahil sa isang conference" tama si Chris, hindi kasi namin sya inabutan noong dumating kami dito kaya palaging si Ate MaiMai ang nakakasama namin sa pag-iikot art pagkuha ng samples sa ibang lugar

Bumaba na kami ni Chris at sinalubong kami ng amoy ng tuyo at tapa, palaging maagang gumigising si Lola para ipagluto kami ni Chris. Sobrang effort nya paagi sa niluluto nya, hindi ata bababa sa lima ang ulam namin tuwing umaga at palagi pang may pritong saging na saba

"Wow Lola ang bango naman po ng niluluto nyo" bati ko kay Lola at nagdiretso na ako sa Cr para mag-ayos at maghilamos.

Simple ang bahay nina Chris, gusto ko yung style nya na parang bahay ni Rizal noong panahon ng mga kastila. Ang bintana nya ay yari sa capiz, na kapag binuksan ay malayang nakakapasok ang malinis at malamig na hangin mula sa labas.

Ang mga kahoy na ginamit ay matitibay, dito sa baba ay semento samantalang sa taas naman ay purong kahoy pati sahig. Ang aparador ay yari sa kahoy at wala kang makikita na lagayan na yari sa metal o plastic

Ang ganda lang na pinag sama sa bahay na ito ang nakaraan at ang kasalukuyan dahil sa baba ay napaka moderno ng disenyo kahit may touch pa rin ng Spanish Era

"Ashley hija, bilisan mo na dyan at kakain na tayo" tawag ni Lola sa akin mula sa kusina

Agad naman akong lumabas dahil ayaw ni Lola na pinaghihintay ang pagkain

Nagdasal muna kami bago nagsimula, si Lola ang nakaupo sa kabisera samantalang kami ni Chris ay nasa kanan nya at nasa tapat naman namin si ate Tina,

Tina ang palayaw ni Ate Christina dito sa Mindoro

Ninamnam ko ang pagkain dahil kahit simple ay napakasap ng luto ni Lola, lalo na yung tapa na sya pa mismo ang nagtimpla, napakalambot at malasang malasa.

Pagkatapos namin kumain ay nag ayos na kami ni Chris at pumasok na sa trabaho

"Good Morning po, have a nice day ahead" Bati sa amin ng guard pagkapasok namin sa opisina.

Nakakamangha lang kung gaano kababait ang mga tauhan dito, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na pwesto. Walang diskriminasyon at lahat ay pantay pantay ang turing sa isa't isa

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now