CHAPTER 29

182 14 8
                                    

ASH POV

Maaga akong nagising ngayon dahil pupunta ako sa mall para bumili ng mga kakailanganin para sa celebration namin ni Chris mamaya

October 30 ngayon at birthday naming dalawa, hindi ko pa sya binabati dahil gusto ko syang sorpresahin, nagpaalam kasi sya na aalis sya mamaya kaya makakapag-ayos ako

Hindi na namin napag-usapan yung tungkol sa paghalik nya sa akin, siguro ay dahil ayaw naming maging awkward sa isa't isa, okay na rin siguro yun kaysa naman magkailangan kami

Maaga akong umalis ng bahay at nandito na ako ngayon sa mall, kasalukuyang namimili para sa lulutuin ko mamayang gabi, bumili ako ng ingredients para sa carbonara, steak, spaghetti, lumpia at graham cake. 

Tinawagan ko kasi si Lola Maria kagabi, sinabi nya sa akin yung mga paborito ni Chris kaya palno kong lutuin yun para sa kanya

Sabi kasi ni Lola ay tuwing birthday daw ni Chris every year ay palaging may spaghetti, lumpia at graham cake, habang yung carbonara at steak naman ay paborito ko

Medyo natagalan ako pamimili dahil sobrang daming tao ngayon sa mall dahil nga walang pasok at weekend din kaya madaming namimili

Palabas na ako sa Supermarket daladala ang dalawang malaking plastic ng may biglang kumuha non sakin

"Ako na ang magdadala" nakangiting saad sa akin ni Liam habang kinukuha ang mga dala ko

"Naku salamat Liam, nandito ka pa pala sa pinas"

"Oo di pa ako nakakaalis baka next week pa, namiss ko ng sobra si Liyan eh kaya sinasamantala ko na may bakasyon pa ako"

Mahal na mahal talaga ni Loam ang batang yun, mahal din naman namin si Loiyan pero walang makakapantay sa pagmamahal nya para sa bata

"Tatay na tatay ah" biro ko pa rito

"Kumain kana ba? Lunch muna tayo" yaya nito sa akin

Pumayag na ako dahil medyo nagugutom na rin ako, dahil na rin siguro sa pagod sa pamimili at halos di rin ako kumain kaninang umaga

"Dyan ka muna order lang ako" saad nya matapos naming makahanap ng table

Sa Jollibee kami nagpunta kasi halos punuan na sa ibang restaurants and ito rin naman ang paborito naming kainan kahit noong nag aaral pa sya sa CU

At dahil matagal na kaming magkakilala at parati na kaming kumakain dito, hindi na nya ako kailangang tanungin kung ano ang gusto ko dahil kilalang kilala na nya ako, he's like my Kuya since palagi namang wala ang kapatid ko para sa studies and career nya

"Here's your super meal ma'am" saad ni Liam habang inilalapag ang pagkain naming dalawa

Everytime na pumupunta kami dito palaging super meal ang inoorder ko, yung may rice, burger steak, spaghetti at spicy chicken Joy. Habang ang kanya naman ay 2 piece Chicken na spicy din, nagkakasundo kami maging sa pagkain

Inayos nya yung table namin, inumpisahan ko ng ilagay yung gravy sa kanin ko, mas gusto ko kasing isinasabaw yung gravy.

Napatingin naman ako ng kinuha nya yung mushroom sa burger steak

"Tanda mo pa pala" di makapaniwalang saad ko

Gusto ko ang burger steak pero hindi ako kumakain ng mushroom, at sya palagi ang kumakain non para sakin

"Pano ko ba naman makakalimutan yun, eh ako palagi ang pinapakain mo nito" saad nya habang kinakain yung mushroom

Natawa nalang ako, lumipas na ang panahon at nangibang bansa na rin sya pero hindi pa rin sya nagbabago, sya pa rin yung Liam na nakilala ko 3 years ago

Let Me Love You [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ